SALI KA, KABAYAN

​

​

​

Mula sa panulat ni

ROSELYN ALEGONZA

United States

​

TINIG MARINO

​

ikaw'y nangutang ng perang panlagay, 

upang sa barko ikaw'y makasakay, 

pangarap nais matupad bilang manlalakbay.. 

​

unang sakay kanda suka muna ito, 

tiktik kalawang ang inabot mo, 

utos ni kapitan sunod ay impronto... 

​

bago palitan safety shoes ni kabayan, 

sungaw na mga daliri nya sa paanan, 

batid man ni kapitan di ka pansin na lang... 

​

sobra sa trabaho, kulang sa sweldo, 

serbisyo ni marino'y inaabuso, 

kaya madalas ito'y naaaburido.. 

​

pamilya minsan pa'y walang kunswelo, 

kahit kumayod pa ito ng todo, 

walang pundar itong si marino... 

​

SSS membership mo'y bawas na ng kumpanya, 

sa SSS yong tignan di pasok ang iyong pera, 

pera mong kinaltas saan na napunta...? 

​

pakiramdam ay masarap pag uuwi na sa pinas, 

ngunit kailangan pa nyang umatend ng class

pagkat mga training nito ay nasa batas, 

​

training ka dito, training ka doon, 

halos ikaw'y wala ng pahinga sa bakasyon, 

sa pag-aayos mo lang ng mga sertipikasyon.. 

​

sakali mang si marino'y magretiro, 

ano kaya ang mga benipisyo, 

may maitutulong ba ang gobyerno...? 

​

sariling sikap ka na lang kaya, marino, 

baka tulong nito'y di sasapat sa iyo, 

pambili mo ng tuyo'y kulang pa rito....

​

 

​

Mga katha ni Rolelyn Alegonza na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan