SALI KA, KABAYAN

 

 

 

Mula sa panulat ni

MARIA TERESA LUCINA CURA REA

Sydney, Australia

 

PAGSISINTIR NG ISANG PINOY-AUSSIE

​

Buhay ko rito sa Australia

halos puno ng ligaya

ang mate ko't mga anak na magaganda

sapat nang sa aki'y magpasigla.

​

Masarap, mahirap ang buhay sa abroad

minsa'y araw-gabi ang pagkayod;

ang dollar na sa pamilya'y pangtaguyod

puhuna'y dugo, pawis, luha at pagod.

​

Marami din namang benefit

sagana sa pagkain, damit,

modernong gamit, lahat electric...

kababaya'y naiinggit.

​

Datapwa't malayo sa relatives

sabihin nang walang gaanong tsismis...

anumang Pinoy news – kahit panis,

buong-pusong tinitiis.

​

Kapag ako'y naho-homesick

walang taros aking pagsaliksik

ang internet lubos na katalik

malayong kakilala'y biglang nagbabalik.

​

Kaya nga't salamat sa e-mail

saang sulok ka man nakatigil,

mag-surf, mag-chat nang halos walang tigil

pagmumukmok ng kalooba'y biglang matitigil.

​

 

​

Mga katha ni Maria Teresa Lucina Cura Rea na matatagpuan sa 

Sali Ka, Kabayan