SALI KA, KABAYAN

 

 

 

Mula sa panulat ni

RAMIL ILAGAN

Pohnpei, Federated States of Micronesia

 

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

PONAPE

​

matibay ang tindig, matikas ang tayo

ulap ay abot-kamay ng iyong pagsuyo;

tahanang payapa ng hayop, ibon at puno,

inspirasyon ka ng matatag kong puso.

 

ang liwanag mong taglay ay hiram sa araw,

katulad ng buhay kong habilin ng Maykapal;

pagpapakumbaba ang hatid mong aral,

at kapayapaang sagot sa aking dasal.

 

sa lalim ng karimlan, ikaw ay nagniningning,

nagsisilbing tanglaw sa gitna ng dilim;

matayog na pangarap, mukha mo ay abutin,

aliw ang dulot mo sa siphayong damdamin.

 

himig ng agos mo'y malamyos na awit

dantay ng katawa'y kapayapaan ang hatid;

patuloy na pagdaloy, pag-asang walang patid,

sagot sa pagsubok at pasanin naring dibdib.

 

rumaragasang alon doon sa batuhan,

ang kapara ay sigla at lakas ng katawan;

halik ng agos mo sa dalampasigan,

paalala sa aki'y matamis na ulayawan.

 

salamat, salamat mga kaibigan,

sa tatag mo bundok, sa liwanag mo buwan,

sa kislap ng bituin sa kalawakan,

at sa inspirasyong dulot ng talon at karagatan.

​

​

​

Katha ni Ramil Ilagan na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan