SALI KA, KABAYAN

​

​

​

Mula sa panulat ni

VIC YAMBAO

New Jersey, U.S.A.

​

PANAGIMPAN

​

Sambayanang nahihimbing sa dilim nang kamangmangan

Nangangarap sa isang bukas na puro kasinungalingan

Habang ikaw ay naghihilik ang mga anak mo ay lumilisan

Sa paghabi ng panaginip ay alipin sa ibang bayan.

​

Kailan ka magigising sa iyong kahibangan

Na ang timbulan sa lusak ay haring mayabang?

Ang kanyang karangyaan ang hukay sa libingan

Kapag ang mga timawa ay lunod na sa putikan.

​

Kailangan bang ugain ang iyong kinararatayan

Upang isilang mo ang makatarungang kabuhayan?

At kung di na masungkit ang bunga mong kayamanan

Bayani't ulila na lamang sa iyo'y malalaglag.

​

Kung dugo na ang mga agos ng batis at kailugan

At libingan na lamang ang mga tumana't parang

Kung ang tunog ng habagat ay naging punebre't palahaw

Sa isang bangungot magmumulat ang mga ganid sa lipunan.

​

 

​

Mga katha ni Vic Yambao na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan