Samu’t saring impormasyon, dagdag-kaalaman, opinyon, at kaisipang tumatalakay sa iba't ibang paksang may tuwiran at di-tuwirang kinalaman sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap… Mga haka-haka, pala-palagay, karikatura, editoryal, aktwal na larawan o litratong inedit para magmukhang mapang-uroy o katawa-tawa, at iba pang pamamaraan ng pagtalakay sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa Pilipinas at mga Pilipino, lalung-lalo na ang mga OFWs.

​

​

​

​

BUDHING INAANAY

​

ni Bheng Arellano

​

MAPAPANSING nagsisimula ang kapalaluan ng tao sa maagang bahagi ng buhay. Kasama marahil sa kalikasan ng tao ang pagkapalalo. Nagpapamalas ng pagmamataas ang isang batang sutil o matigas ang ulo. Kapag ang bata’y nag-aalboroto, naglulupagi, o nagpapagulong-gulong sa sahig — at sinamo ng nakatatanda — tinutulutan siyang magbuo sa pagkatao ng kapalaluan.  Makabubuting kung nasa ganitong sitwasyon ang bata, ay iwang mag-isa.  Sa malao’t madali’y matututo siya ng leksiyon—nababawasan ng di pagpansin ang pagmamataas, hindi man lubusang maiwaglit sa pagkatao ng isang paslit.

​

May mga katangiang hindi maikukubli ang kapalaluan.  Hindi makapagpatawad sa kapuwa ang isang taong palalo.  Tulad ni Hudas Iscariote na di natutong umamot ng tawad kay Hesus matapos na maipagkanulo, ang isang palalo’y hindi rin marunong humingi  ng tawad.  Sa lahat ng pagkakataon ng paligsahan, gusto niyang siya ang laging manalo — kung hindi’y tila ikapupugto yaon ng kanyang hininga.  Wala siyang pitagan at hindi siya marunong magpasalamat.  Bakit nga naman siya magpapasalamat?  Sa isip niya’y importante siya, kaya dapat na paglingkuran nang libre ng sinuman.  Kung may mabalitaan siyang ginawang mabuti o mahusay ang kapuwa . . . (May karugtong)

​

TUNGHAYAN ang buong sanaysay mula sa panulat ni Bheng Arellano – Budhing Inaanay.

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

PASILIP sa Usapan . . .

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link