SALI KA, KABAYAN

​

​

​

Mula sa panulat ni

ROLAND L. MANREAL

Guam, U.S.A.

​

SANA, MAIBALIK KO ANG KAHAPON

​

Sana, maibalik ko ang kahapon,

Mga yugto ng buhay na sapilitang natapon,

Mga maling desisyon, mga luhang nakabaon,

Sa madilim na gubat, ng makulimlim kong dapithapon.

​

Sana maibalik ko ang kahapon,

Mga luha't halakhak na sapilitang bumabangon,

Pilit umahon sa buhay kong umaambon,

Sana maibalik ko man lamang ikaw,

     at ang mga nagdaang panahon.

​

Alam ko, ako ang nagkamali,

Lumipas na mga taon, hindi mapakali,

Mahirap malimutan, O, kay hapdi,

Mga sugat sa damdaming ikaw, ang naging sanhi.

​

Ano ba talaga, bakit may halong lungkot at saya?

Ang masaya nating nakaraan, tuwing magunita?

Bakit nandito ka pa rin sa aking alaala?

Sa panahon natin, wala ka pa ring pinag-iba.

​

Nakasabit ka pa rin na parang medalya,

Sasabit-sabit sa leeg tuwing umaga,

Kasa-kasama ka kahit saan ako magpunta,

Pilit man lang maibalik ang ating nakaraan,

     kahit wala ka na.

 

​

Katha ni Roland L. Manreal na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan