Mula sa panulat ni
MARIA TERESA LUCINA CURA REA
SAMU’T SARING DAMDAMIN,
TAGAKTAK ANG PAWIS
samu't saring damdamin
sa tuwina'y kaulayaw
ligaya't lungkot sa puso't kalooba'y
dagling nag-uumapaw.
sandaling pinakahihintay
ngayo'y dumating
hindi magkandaugaga sa pinaghirapa't
sandamanak na pabilin
sa eroplano pa lamang
ay papilingpiling.
sa wakas makaraos ang halos
walang katapusang tawaran
ang biyahe naman ang pagtitiyagaan.
bakit hindi'y mga sasakya'y
nag-uunahan, nagsisiksikan.
maraming taong tiniis
na malayo sa pamilyang minamahal
biglang naglaho't nalihis
sa biyaheng nagkaantal-antal.
siyam-siyam halos
sasakya'y nagbagtas
salamat sa diyos
tahanang sinilanga'y nataros.
sanrekwang kamag-anakang
nagpakaabang-abang
takang-taka't nagkandagugulat.
dating matabil na dila'y walang maiulat.
tagaktak ang pawis
waring naghihinagpis
pinakahihintay nga'y napalis.
yaong PALIKURA'Y tanging nais,
kaya't dali-daling tinugis!
Mga katha ni Maria Teresa Lucina Cura Rea na matatagpuan sa
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.