ARAW NG MGA AMA
Ang tunay mong kasipagan ay dapat tularan
Relong batayan mo ay ang tilaok ng tandang
Alaga mong mga hayop, pinalaki at inasahan
Walang salang tutulong sa imbing kabuhayan
Nasa bukid kang lagi hanggang sa dumilim
Gumapas ng palay at mag-alaga ng tanim
Magsasakang tunay, masipag ka at masinop
Gawa mo ay matapat, at lahat ng paglilingkod
Ang bawat salita mo ay angkop at nakalulugod
Angkin mong talino ay marami ang nakapuna
Malaki mong puso, sa mga anak mo'y ipinadama
Ama, ikaw ang haligi at gabay ng pamilya.
Laura Balatbat-Corpuz
Ika-14 ng Agosto, 2007
Mga katha ni Laura Balatbat-Corpuz na matatagpuan sa
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.