Bugso ng Gunita – Dugtung-dugtong na kwento ng makulay na karanasang pinagdaanan – mula sa paglisan sa kanyang nayon hanggang sa kasalukuyan – ng isang Pilipinong nagtungo sa London upang doon hanapin ng magandang kapalaran. Mula sa seryosong panulat ni Bert Cabual

​

Butas na Medyas – Ano ang misteryong bumabalot sa mahiwagaang butas na medyas, at paano nito ililigtas ang buong kaharian ng Potpot sa maitim na balak ng balakyot na kaaway at kampon ng kadiliman? Mula sa hindi seryosong panulat ni Rafael A. Pulmano

​

Pag ang Puso'y Napusoy – Ito ang kasaysayan ng wagas na pag-ibig nina Pepong at Menday, na bagama't hango sa tunay na buhay ay hindi naman totoo at kathang-isip lamang ng sumulat na walang maisip isulat... Mula sa hindi seryosong panulat ni Rafael A. Pulmano

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

PASILIP sa Kwentula . . .

BUGSO NG GUNITA

ni Bert Cabual

​

Nasa Isip Kita, Nayon Ko

​

Kumakaway sila 

     noong aking iwan,

nang sa eroplano 

     ako ay lumulan;

may luha sa mata 

     ang asawang hirang,

saka ang bunso kong 

     buhay n’yaring buhay.

​

Paglalayo nami’y 

     di pa dinaranas,

kung kaya ang dusa’y 

     kaaki-akibat;

nang ang sinasakya’y 

     simulang umusad,

sikil ang luha kong 

     puso’y naghihirap.

​

Unang paglalakbay 

     doon sa ibayo,

sa Londong di batid 

     ang uri ng tao;

paglampas sa ulap 

     noong eroplano,

diwa’y di mawari 

     sa paninibago.

​

. . . . . 

​

TUNGHAYAN ang buong KWENTULA mula sa panulat ni Bert Cabual – Bugso Ng Gunita

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link