SALI KA, KABAYAN

 

 

 

Mula sa panulat ni

JOEL SANTOS

Kuwait

 

POTOGRAPIYA

​

Potograpiya ay usong-uso ngayon

Bawat tao may kamerang Nikon o Canon

Picture dito, Picture doon

Hanggang maubos ang bateryang Lithium-ion.

 

Potograpiya ang limitasyon ay imahinasyon

Kelangan lamang ng kaunting kalkulasyon

Kahit ano man ang maging kundisyon

Ng klima o panahon ng ating nasyon.

 

Potograpiya, maging libangan man o propesyon

Sa huli’y iisa lamang ang misyon

Makalikha ng obrang inspirasyon

Na maipagmamalaki sa lahat ng institusyon.

 

Potograpiya ay parang pelikula na aksyon

Kamera ay parang sandata na pangproteksyon

Ipuputok agad-agad pag target ay umaksyon

Dapat laging alisto sa anumang sitwasyon.

 

Potograpiya ngayon ay aking obsesyon

Sana pagdating ng araw ay maging propesyon

Para maibahagi ang nasa imahinasyon

Na hinahangad lamang ay kaunting apresiyasyon.

​

​

​

Mga katha ni Joel Santos na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan