Mula sa panulat ni
ONOFRE I. CAMARILLO
Bolingbrook, Chicago, IL, U.S.A.
ANG GOLDEN LEAVES
Golden Leaves, Golden Leaves ay MAGKAKAPATID
Iisa ang TIBOK ng PUSO AT DIBDIB
Maging malaki man, o maging maliit
Walang maaapi, IISANG MATUWID.
Kapag nalulungkot ang isang kasama
Lalapitan agad ng BIRONG masaya
Kapag umaagos ang luha sa mata
May papahid agad, at aakbayan pa.
Kung nagtatalo man sa ano mang PAKSA
Walang masasakit na PANANALITA
Walang PERSONALAN, HANAPIN ANG TAMA
Muling magyayakap, SUGOD sa paggawa.
Walang naninira, PAG NAKATALIKOD,
Lahat ay magaling, LAHAT ay VERY GOOD;
Tulung-tulong tayo, sa HIRAP AT PAGOD
Sama-sama tayo sa TUWA at LUGOD.
Halina, halina, mga KABABAYAN
Sumapi po kayo sa aming SAMAHAN
Limutin po natin, mga kalungkutan
Narito sa amin, madlang KASIYAHAN!
Katha ni Onofre I. Camarillo na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.
Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano | Contact