SALI KA, KABAYAN

​

​

​

Mula sa panulat ni

TREZ MUSKITEROS

​

INSPIRASYON

​

Umibig ako sa maling lalake

Akala ko'y langit ang hatid sa akin

Yun pala'y dusa ang aking aabutin

Sayang di ko sinunod payo ni ina sa akin.

​

Huli na ang lahat magsisi man ako

Tatlong anak ay aking inako

Dahil di makatiis makitang magutom

Pinasyang iwanan ang asawang mabisyo.

​

Bitbit lahat ang anak, bumalik kay Inay

Humingi ng tawad, at nagnilay-nilay

Habag at lungkot sa mukha ni Inay

Mga paslit na apo ay kanyang inakay.

​

Kinabukasan maagang gumising

Nag-ayos ng sarili, lumuwas ng Maynila

Nagpunta sa Promoter, upang pa-audition

Dahil may boses naman, pinalad makapasa.

​

Mga anak ay minasdan, niyakap at hinalikan

Masakit man sa dibdib ay walang magagawa

Kaysa makitang, mga anak ay magutom

Sa hirap ng buhay, nangibang bansa na lang.

​

Ngayo'y nandito na sa banyagang bayan

Di alam ang wika, di alam kung saan

Kumukutikutitap ang mga paligid

Ibang-iba duon sa aking bayan.

​

Kalungkutan ngayon aking nadarama

Mga iyak at tawanan ng tatlo kong anak

Laging nasa isip, kahit sa panaginip

Ang pangungulila sa aking mga supling.

​

Lumipas ang araw, buwan mga taon

Na di nasilayan ang paglaki nila

Di man natikman ang luto ni Nanay

Di man natikman ang palo ni Nanay.

​

Ngayo'y pauwi na sa tagal ng panahon

May sapat ng ipon, nakapag-aral din kayo

Di na magugutom ang dati'y paslit nuon

Ngayo'y binata na at may mabubuting asal.

​

Salamat mga anak, kayo ang nagbigay

Ng lakas ng loob at tibay ng dibdib

Sa malayong bayan lungkot at pagod

Di man nasayang, kayo pala ang langit na binigay ng Tatay n'yo.

​

 

​

Katha ni Trez Muskiteros na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan

Mula sa liham na padala ni Trez Muskiteros:

​

Kumusta po kayo, wala lang magawa dito kaya nag hanap ako ng mga tula at nakita ko ang gawa nyo na talaga namang angkop na angkop sa mga OFW ang nilalaman ng tula n'yo. Kaya naglakas loob din akong gumawa ngayong araw na ito ng tula na iniaalay ko sa aking 3 anak.

​

Mahilig lang po akong tumula pero di mahilig gumawa at ito ang unang tula na ginawa ko ngayon at baka ito na rin po ang daan para gumawa pa ng mga tula. Maraming salamat po sa inyo kundi di dahil sa inyo ay di ako magkakalakas ng loob gumawa ng tula para sa mga anak ko. Sana'y magustuhan nyo po ito.