SALI KA, KABAYAN

 

 

 

Mula sa panulat ni

ZALDY ALORA

Bakersfield, CA, U.S.A.

 

BAYAN NG BINYANG

​

Ako ay ipinanganak sa bayan ng Binyang

Na lugar ng aking nuno at mga magulang 

Lumaki at nagkaisip na may katwiran 

Sapagka’t pinalaki kami ng may magandang asal. 

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

Masasabi ko kahit kanino man 

Na ang bayan ng Binyang ay 'di bayan lamang 

Bagkus bayan ito ng mga tao sa lipunan 

Na kilala hindi lamang sa bayan tinuran. 

​

Ang mahal namin bayan ay maraming produkto 

Isa-isahin mo at baka ka malito 

Puto, kutsinta at arozcaldo ni Mang Tonyo 

Maipagmamalaki mo kahit kanino. 

​

Maging sa ibang bansa ay maipagtatanong mo 

Bayan ng Binyang ay maririnig mo 

Dahil na rin sa tao na produkto nito 

Na mga edukado at maging sa politiko. 

​

Kaya tayo naman ay dapat magkaisa 

Na maitaguyod ang mahal nating bayan 

Sa mga adhikain na naumpisahan 

Ay maipagpatuloy ng mga kabataan.

​

​

Katha ni Zaldy Alora na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan