BUHAY OFW
Buhay na pinapangarap
Tutuparin na maging ganap
Lilipad kahit mahirap
Sa ibang bansa’y magsisikap.
Labag man sa kalooban
Mahal sa buhay ay iiwan
Pagkalipas ng taon at buwan
Ginhawa naman ang magigisnan.
Dahilan nito’y pamilyang maiiwan
At di gumaya kay Eba at Adan
Kapag tukso’y hinayaan at di napigilan
Siguradong walang pamilyang babalikan.
Buhay OFW… iba’t iba ang kapalaran
Suwerte kadalasan, may bigo paminsan-minsan
Mahalaga’y makabalik muli sa bayang sinilangan
Nang muling mayakap mahal na naiwan.
Mga katha ni Joel Santos na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.