Ang mga maikling kuwento ritong katha ng ating mga kababayang nandayuhan sa ibang bansa ay utang natin sa pagsisikap ni kaibigang Bert Cabual, isang taal na Batangueñong naninirahan ngayon sa London.  Sumunod na nagpadala ng kanyang kathang kuwento ay si Bheng Arellano ng London.

​

​

• Ang Dasalan ni Belen - Sa dasalang bigay ni Belen, naging malinaw sa kanya ang kahalagahan ng Sakripisyo ng Misa. Tangi sa rito’y marami pa siyang natutuhan. Nguni’t mula nang bigyan siya ng Dasalan, ay hindi na mawaglit sa isip niya ang binibini. Umiibig siya! Dumalaw siya kay Belen at ipinagtapat ang nilalaman ng puso. Nagulumihanan siya nang sabihin ng dalagang nakatakda na itong maging isang madre. Sa kabila nito’y makamtan pa kaya niya ang tugon sa itinitibok ng puso?

​

Isang Libo't Isang Halik - Mapatutunayan sa kuwentong ito na ang pag-ibig na “walang gawa” ay isang patay na pag-ibig. Ang lalaki’y hindi dapat na “pasaklob sa saya” ng babae. Natuklasan ni Dupong ang “mahalagang bagay” na dapat gawin, bukod pa sa pagbibigay ng isang libong halik, sa kabiyak na si Takya, upang hindi na siya apihin nito. Naibangon din ni Dupong ang kanyang pagkalalaki at hindi na siya nasakluban pa ng saya ni Takya.

​

May Lihim ang Bahay-bahayan - Nagpanggap na trabador ang Enhenyero-Arketektong si Peter, upang matiyak na magiging maayos ang nililikhang mansiyon. Walang-wala sa isip niyang kanila pala ni Melinda ang mansiyong ito. Ang kamuntik nang gumuhong moog ng pagmamahalan nina Peter at Melinda ay kanilang naitayo upang maituloy ang kanilang bahay-bahayang nasimulan nang mga batang paslit pa sila.

​

Mayo at Disyembre - Wangis ang estudyanteng si Bheng ng Mayo, at ang gurong si Leo ng Disyembre, dahil agwat ng kanilang edad. Mag-aapatnapung taon na ang guro samantalang labing-anim pa lamang ang estudyante. Nais nilang papaghugpungin ang Mayo at Disyembre pagka’t may nabuong pag-iibigan sa kanilang mga puso. Nguni’t ang guro’y may pananagutan na sa buhay. May pag-asa pa kayang lumigaya ang Mayo at Disyembre?

​

Nang Maumid ang Makata - Hindi makabigkas ng tula ang makatang si Nick Katindig nang malamang may kasintahan na ang matalik niyang kaibigang si Victoria Ilustre. May pag-ibig siya sa kaibigan at handa na siyang magtapat, nang matuklasang may nagmamay-ari na puso nito. Umid siya upang tumula. Alamin sa kuwentong ito kung bakit nawala ang pagka-umid ng makata at muling natulaan ang mutyang nakadambana sa kanyang puso.

​

Si Mang Estong - Inakala nilang magiging biktima ang diyornalistang si Jenny ng pagka-palikero ng matandang si Mang Estong. Nagbabala sila sa dalaga, nguni’t nagpatuloy ito sa pakikipagmabutihan sa matanda. Ang kuwentong ito’y nagmumulat na di dapat humusga ang sino man kung hindi alam ang puno’t dulo ng pangyayaring hinuhusgahan.

​

Subyang sa Puso - Di man nagsasabi’y batid ni Elenang hindi lamang siya hinahangaan ni Fidel. Nararamdaman niyang may banyagang damdaming iniuukol sa kanya ang binata. Maililihim ang maraming bagay, datapwa’t ang pag-ibig ay di maikukubli. Kung hindi man ang salita, ay nagkakanulo ang mga sulyap at mga kilos ng isang nagmamahal.

ISANG LIBO’T ISANG HALIK

​

ni Lamberto B. Cabual

​

    “HIWALAY kung hiwalay!” sigaw ni Dupong.  Yamot siya sa asawang si Takya, pagka’t lagi nitong sinasabing hihiwalayan siya kapag nagagalit. Akala niya’y nasa loob ng silid ang asawa. Nakalabas na pala at narinig ang sigaw niya.

​

    “Ano’ng sabi mo, Dupong?” tanong ng asawa. “Ulitin mo nga ang sinabi mo.”

​

    Nagitla si Dupong at nawalang bigla ang pagkayamot sa asawa.  Nahalinhan ng takot.  Biglang lumambing ang boses, “A, wala, Mahal, sabi ko e, itong mga damit na may kulay at walang kulay na pinalalabhan mo sa akin e… kailangang paghiwalayin ko.”

​

    “Gano’n ba…” mabalasik na turing ni Takya.  “Mabuting nagkakaintindihan tayo.”

​

    “Pasens’ya ka na… medyo kasi napalakas ang boses ko!”

​

    “Sa susunod, hina-hinaan mo… naririndi ako!”  matalim ang tingin ng asawa. “Saka gusto ko e…malinis ang laba ng mga damit… at kung hindi…uulitin mo ang mga ‘yan.”

​

    “Oo, Mahal… bayaan mo… at pagbubutihin ko ang linis!” nangangatog ang tuhod ni Dupong.

​

    Limang taon nang kasal ang mag-asawang Dupong  at  Takya.  Kahima’t may pakla kung namnamin ang kanilang mga pangalan, balintuna ito sa kanilang anyo. Makisig na lalaki si Dupong at magandang babae si Takya. Ang magkabiyak ay tapos lamang ng elementarya, nguni’t kapuwa may trabaho. Namamasukang tindera sa isang tindahan ng damit sa kabayanan ang babae at mahusay na karpintero naman ang lalaki. Masisinop sa hanapbuhay at sobra-sobra sa kanilang dalawa ang kinikita.

​

      Nguni’t dahil sa mabait si Dupong, nakawilihan na siyang sigaw-sigawan at utus-utusan ni Takya.

​

    Minsan, nalimutan ng lalaki . . . (May karugtong)

​

TUNGHAYAN ang buong kuwento mula sa panulat ni Lamberto B. CabualIsang Libo’t Isang Halik.

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

PASILIP sa Kuwento . . .

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link