ANG TUBIG
Masdan ang pag-agos ng tubig sa labak
Tungo sa mababa, sa pusod ng dagat
Pag ito'y hinarang nabubuong lakas
Pader mang matibay pilit iwawasak.
Ang tubig ay panghugas, ito'y naiinom
Ito'y iyinit mo't pamawi ng gutom
Pag nagpisan-pisan sa dagat ay alon
Batis na mapigil, bahang lumilipol.
Ang buhay ay ganyan dapat maunawa
Huwag mong hamakin sino mang mababa
Barang ginamit mo sa iyong kapuwa
Siya ring panukat sa iyong pagkadapa.
Mga katha ni Laura Balatbat-Corpuz na matatagpuan sa
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.