TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

SALI KA, KABAYAN




Mula sa panulat ni

JOSEPHINE CASTELLTORT-JAYLO

Philippines


ARAL O LIGAW, O PUWEDE BANG SABAY?

 

Sa isyu ng aral o ligaw, alin uunahin,

o dili kaya’y kung ito’y puwedeng pagsabayin?

Sa general rule Aral muna bago Ligaw dapat na piliin,

Exceptional rule kung magtagumpay kung ito’y pagsabayin.


Unang sulyap ng tinging may paghanga,

damdaming giliw sa pakikisalamuha;

sa paaralan nararanasan ng maraming bata,

kalimitan sumisilang itong emosyong kakatwa.


Kaya habang nag-aaral may kahirapang maiwasan,

magpaligaw o manligaw, babae’t lalaking kabataan;

sa larangan ng psychology natural na pagdaanan

ang mga pagbabagong kanilang matutuklasan.


Sa isang banda, mag-aaral na seryoso,

may hilig sa pag-aaral at inilagay sa ulo;

na makapagtapos muna siya upang umasenso,

ligawan ay walang puwang, pag-aaral asikaso.


Samantala mag-aaral na paghanga’y di napigilan,

susubukang pagsabayin pag-aaral at ligawan;

inspirasyon kung hangaan ay magkatugunan,

at kapwa kayang dalhin sa marapat na hanggahan.


Kabataan kung inyo lang na kusang-loob naisin,

matuto sa karanasan ng matatanda’t sila’y dinggin;

aral kung aral, saka na pagligaw sa kaklaseng giliw,

sa halip maghamunang ang pag-aaral ay tapusin.



August 5, 2008



Mga katha ni Josephine Castelltort-Jaylo na matatagpuan sa 

Sali Ka, Kabayan

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

affiliate_link