Simple lang ang buhay ko. Pinalaki at pinag-aral ng edukasyon sa pamamagitan ng pagsasaka kaya naging secondary school teacher ang inyong lingkod.
Ngayon ay isa ng retirado, kaya patuloy namang naglilibang sa pamamagitan ng pagsasaka at paggugulayan sa likod bahay. May tatlong anak sa aking maybahay na sa awa ng Diyos ay nakatapos naman.
Sa panahon ng pamamahinga humahabi ako ng tula sa iba-ibang paksa at isyu, pero higit kong pinagtutuunan ng pansin ay plight ng mga manggagawa kasama na nga ang OFW na umunlad ang buhay at huwag manatiling exploited sa kanilang kalagayan at maging laruan ng kapwa.
- - - - - - - - - - -
Si Ka Efren Valte, makata ng Angat, Bulacan, ay nakilala ko sa pamamagitan ng Facebook, kung saan kapwa kami kasapi ng lihim na grupong GIMIKan TULAan at BIRUan sa Bahay Kubo (GTB). ~ Rafael A. Pulmano
- - - - - - - - - - -
Mga katha ni Efren Valte na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.
Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano | Contact