TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

SALI KA, KABAYAN




Mula sa panulat ni

JOEL SANTOS

Kuwait


NASIRANG TIWALA


Pinoy ay nagkalat na kung saan-saan

Parang kabuteng sumusulpot na lamang

Mapa-Amerika o Middle East man

Kapwa Pinoy ang iyong madadatnan.

 

Panatag ang isipan dahil may kababayan

May karamay ka sa oras ng pangangailangan

Ngunit isang paalala lang Kaibigan

Hindi lahat sila hangad ay kabutihan.

 

Ingat lang sa mapagpanggap na kaibigan

Kilalanin siyang maigi at huwag lang minsan

Baka patunguhan mo’y iyong kapahamakan

Biglang maglaho ang iyong kinabukasan.

 

Crab mentality meron siyang katangian

Inggit sa kanyang kapwa ang nararanasan

Pilit kang hihilahin pababa sa kawalan

Idadamay ka sa mundo ng kamalasan.

 

Tiwala sa kapwa kay hirap nang bitiwan

Lalo na’t nakaranas na ng kasamaan

Diyos at pamilya lang iyong sandigan

Noon, ngayon at kailanma’y malalapitan.



Mga katha ni Joel Santos na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

affiliate_link