Ang Doon Po Sa Amin ay lumabas sa aming bayan (ngayon ay lunsod) ng Biñan, Laguna sa dalawang anyo: Una, bilang isang babasahing pampamayanan o community newsletter (print edition). Ang pangalawa, na inilunsad humigit-kumulang isang taon bago ako muling nakipagsapalaran sa ibayong dagat, ay bilang programa sa radyo (broadcast edition). Nakasama ko sa programang ito ang aking pinsan, si Christopher (Toppe) Alba.