Isang blog para sa

PATALASAN NG ISIP AT PAGALINGAN NG KATWIRAN


TULOY PO KAYO sa ating munting BlogTalasan. Sa pagtalakay sa mga napapanahong isyu sa pamamagitan ng isang pagtatalo sa anyong patula ay dito nasusubok ang talas ng pag-iisip at galing sa pangangatwiran ng mga nakikisangkot sa usapan.

 

Dating isang blog na sinimulan noong taong 2008, ito ngayon ay bahagi na nitong website na pinangangasiwaan pa rin ng orihinal nitong Tagapamagitan, Rafael A. Pulmano.




















MGA PAKSANG PINAGTALUNAN


PGMA hanggang 2010?

Talakayan tungkol sa pagpapatuloy sa pagka-Pangulo ni Gloria Arroyo hanggang sa 2010 


Executive privilege vs people's right to know

Diskusyon hinggil sa kontrobersyang ZTE National Broadband Network Deal 


Pag-ibig at tampuhan

Palitan ng kurukuro tungkol sa tampuhan at muling pagkikibuan ng dalawang nagmamahalan 


Paalam, Cory...Paalam, 'Democracy'

Kwestyon tungkol sa kalagayan ng demokrasya sa Pilipinas at pagpanaw ni Pangulong Corazon Aquino 


Noynoy for President

Magkakasalungat na opinyon tungkol sa planong pagtakbo ni Benigno “Noynoy” Aquino III bilang presidente sa halalan sa 2010 


Trahedya ni Ondoy

Pagsusuri sa isyu ng kung sino sa mamamayan o pamahalaan ang may higit na kapabayaan sa panahon ng kalamidad 


Epekto ng print at broadcast media sa Pilipinas

Tungkol sa positibo at negatibong bunga ng media sa bansa



PATALASTAS


MALIBAN sa dalawang paksa sa itaas (Pag-ibig at tampuhan, at Epekto ng media sa Pilipinas), ang mga BlogTalasang inyong matutunghayan ay bahagi na lamang ng nakalipas na kasaysayan o history ng bansa. Samakatuwid, ang mga kurukuro at katwirang ipinahayag ng mga nakilahok sa mga nasabing talakayan ay dapat unawain sa konteksto ng kaugnay na kapanahunan. Bagama't luma na at masasabing hindi marahil angkop ang mga usapin sa kasalukuyan (at alam na natin ang kinahinatnan!), ang mga ito ay nakawiwiling basahin at maaari pa rin namang kapulutan ng aral na posibleng maging kapaki-pakinabang sa mga darating na pagkakataon.



PAGTATANGGI


Ang mga komentulang nakalathala sa blog na ito 

ay personal na opinyon at pananagutan 

ng mga indibidwal na manunulat …

(Basahin ang kabuuan)

PAG-IBIG AT TAMPUHAN


TANONG: Sa dalawang nag-iibigan, halimbawang kapwa sila nagkamali, sino ang unang dapat bumati at manuyo upang mawala ang alitan o tampuhan: Lalaki o Babae?



katreena says:

LALAKI DAPAT MAUNA


Sa dalawang magsing-irog 

    na kapuwa nagkamali

Kung ako ang tatanungin, 

    ang sagot na ipapakli

Lalaki ang nararapat 

    na mauna sa pagbati

Upang tampo at alitan 

    ay kaagad na mapawi.


Lalaki sa mula’t mula 

    ay s'yang unang 

        nanunuyo,

Nanliligaw, nagtatapat, 

    nagsisilbi, nang-aamo

Kaya kung kapwa may 

        mali,   

    sa akin ay tamang lalo

Na lalaki ang mauna 

     sa pagluhod at 

          pagsuko..



royalblogger says:

BABAE DAPAT MAUNA


Ako muna’y pasintabi sa 

    naunang nangatwiran

Palagay ko hindi dapat 

    kung kapwa may 

        kasalanan

Na lalaki ang maunang 

    babati sa kanyang 

        hirang

Babae pag nahirati, 

    lalaki ang nalintikan.


Kaya ako’y di sang-ayon 

    kay katreena’ng ipinayo

Na sa twinang may 

        tampuhan,  

    lalaki ang manunuyo

Sa larangan ng pag-ibig, 

    hindi dapat maging 

        dungo

Aabuso ang babae 

    kung lalaki’y utu-uto!



BASAHIN ang buong katha: Sino nga ba ang unang dapat na sumuko – Lalaki o Babae?

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

PASILIP sa BlogTalasan . . .

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link