• Bugso ng Gunita – Dugtung-dugtong na kwento ng makulay na karanasang pinagdaanan – mula sa paglisan sa kanyang nayon hanggang sa kasalukuyan – ng isang Pilipinong nagtungo sa London upang doon hanapin ng magandang kapalaran. Mula sa seryosong panulat ni Bert Cabual
• Butas na Medyas – Ano ang misteryong bumabalot sa mahiwagaang butas na medyas, at paano nito ililigtas ang buong kaharian ng Potpot sa maitim na balak ng balakyot na kaaway at kampon ng kadiliman? Mula sa hindi seryosong panulat ni Rafael A. Pulmano
• Pag ang Puso'y Napusoy – Ito ang kasaysayan ng wagas na pag-ibig nina Pepong at Menday, na bagama't hango sa tunay na buhay ay hindi naman totoo at kathang-isip lamang ng sumulat na walang maisip isulat... Mula sa hindi seryosong panulat ni Rafael A. Pulmano
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.
ni Bert Cabual
Nasa Isip Kita, Nayon Ko
Kumakaway sila
noong aking iwan,
nang sa eroplano
ako ay lumulan;
may luha sa mata
ang asawang hirang,
saka ang bunso kong
buhay n’yaring buhay.
Paglalayo nami’y
di pa dinaranas,
kung kaya ang dusa’y
kaaki-akibat;
nang ang sinasakya’y
simulang umusad,
sikil ang luha kong
puso’y naghihirap.
Unang paglalakbay
doon sa ibayo,
sa Londong di batid
ang uri ng tao;
paglampas sa ulap
noong eroplano,
diwa’y di mawari
sa paninibago.
. . . . .
TUNGHAYAN ang buong KWENTULA mula sa panulat ni Bert Cabual – Bugso Ng Gunita
Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano | Contact