• Mahal naming Tita Liling - Handog Kay Bb. Milagros L. Limaco sa Kanyang ika-76 na Kaarawan
• Dolphy - Pidol, Ompong, Dolphy, ano man ang tawag… Dakila kang tao, may pusong busilak. Walang Pilipinong di napahalakhak sa maraming taon ng iyong pagsikat.
• Noynoy Aquino: Sa Bagong Pangulo - Hiling sa bagong-halal na pangulo ng Pilipinas, nilang mga “napatapon sa ibang lupain upang ang pamilya'y laging may makain, nagtitiis malayo sa piling ng mahal sa buhay alang-alang na rin sa kinabukasan nila't bayan natin,” na sana, pag naluklok na, sila “ay alalahanin.”
• Noynoy Aquino: Asin at Ilaw - Tulang alay kay Noynoy na inihalintulad ng may-akda sa asin at ilaw, “na buhay, pag-ibig, pag-asa’t pangarap.” Para sa makata, nakatanaw raw tayo sa gintong hinagap, na may Inang Bayang babangon sa hirap.
• Noynoy Aquino: May Paninindigang Di Maaapula - Isa pang handog na tula kay Noynoy, na inilalarawan ng makata bilang may mithing malabathala at dalisay na nasang ibangon ang Pilipinas tungo sa pag-unlad at kalagin ang buhol ng dalitang di makalas-kalas.
• Kamanyang kay Manny Pacquiao - Sa dami ng papuri at paghangang ipinupukol ng buong mundo sa tanyag na kababayan nating boksingerong kinilala bilang Pambansang Kamao, narito ang awit ng makatang sa huli ay may paabot na munting kahilingan.
• Soneto kay Paeng - Labis na nakapagpapataba ng puso ang mahandugan ka ng isang sonetong nag-uumapaw sa papuri, mula sa isang batikang brodkaster, manunulat, at makata.
• Happy Valentines - Paano ipararating sa iyong mahal sa buhay ang maalab na pagbati sa Araw ng Mga Puso, kung kayo ay malayo sa isa’t isa at may malawak na karagatang naghihiwalay sa pagitan ninyong dalawa?
• Ngayong Araw ng mga Puso - Tulang isinulat ng isang amang nagtatrabaho sa ibang bansa, para sa kanyang panganay na anak na magsasampung taong-gulang pa lamang.
• Para Kay Mary Rose - Ang Valentine’s Day ay isa ring okasyon para sariwain ang matatamis na alaala ng pagsusuyuan ng dalawang pusong nagmamahalan.
• Sa Aking Mga Kaklase at Ka-Batch (LSEI 1972) - Habang tumatagal, lalong nagiging malalim ang samahan at nagiging malapit sa isa’t isa ang mga dating magkababata at magkakaklase, gayon din ang magkakasabayang mag-aaral o magkaka-batch, noong panahon ng kabataang tayo nasa high school pa.
• Ang True Love ng Buhay Ko - Tulang handog ng isang ginang sa kanyang kabiyak, na itinuturing na tunay na pag-ibig o true love ng kanyang buhay.
• Soneto sa Ating Anibersaryo - Tulang handog ni Bert Cabual sa kanyang maybahay sa kanilang maringal na anibersaryo.
• Buhay na Umaga - Tulang handog ng makatang si Bert Cabual kay Inang Maria a kanyang kaarawan – Ika-8 ng Setyembre
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.
Dolphy, artista kang
mula pagkabata
Nagdulot sa amin
ng aliw at tuwa
Mapasa-ekspresyon
ng komikong mukha,
O kilos, o porma,
o pananalita.
Onli sa Pilipins may
iisang Dolphy
Na tinaguriang Hari
ng Komedi
Maraming dekadang
pinatawa kami
Mula entablado,
radyo, sine, TV.
Laking pasalamat
sa panahon namin
Ay siyang pinalad
na naroon ka rin
At sa henerasyong
susunod sa amin
Makulay mong buhay
kwentong bibigkasin.
Pidol, Ompong, Dolphy,
ano man ang tawag
Dakila kang tao,
may pusong busilak
Walang Pilipinong
di napahalakhak
Sa maraming taon
ng iyong pagsikat.
Hindi makakatkat
sa 'ming alaala
Ang hatid na saya
ng Buhay Artista,
Home Along da Riles,
at ng John en Marsha,
Na ikaw ang siyang
pangunahing bida.
Yaman kang totoo
nitong Inang Bayan
Higit pa sa isang
Artistang Nasyonal
Ang 'National Treasure'
ay akmang parangal
(Paalam na, Dolphy...
Pidol... Idol...
Goodbye...)
Hulyo 13, 2012
Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano | Contact