TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
PANGARAP
Kalamnan ko ay nanakit sa banig nang karangyaan
Utak ko ay puputok na sa pagtuos nang aking utang
Puso ko ay manhid na sa kayod na walang puknat
Bawat patak ng aking dugo, berdeng ginto sa kanila.
Nasa ko ay muling humimlay sa kandungan ni Inang sinta
At magmulat sa samyo ng tuyo, kamatis at sinangag
Nasa ko ay makasalo sa dulang si Amang mahal
at muling umusbong sa kanyang palad at pangaral.
Kung nakapikit lamang ang timbangan ng katarungan
At ang batas at katwiran mo ay walang tinititigan
Kung ang bukas sa piling mo ay matiwasay at maaya
Kanila na ang Amerika, uuwi na ako sa ating dampa.
Mga katha ni Vic Yambao na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.