JOSEPHINE CASTELLTORT-JAYLO



Ang pagkatha ng tula ay natuklasan kong magandang paraan ng pagpapahayag ng mga damdaming nahuhugot sa mga naging sariling karanasan. 


Kaya ang ilang mga nakatha kong tula ay hango sa inspirasyon ng aral na natutunan ko sa bawa’t makabuluhang karanasan, lalo sa larangan ng pagibig, pananampalataya at mga samot saring aral sa realidad ng buhay. 


Sana ay makaugnay kayo sa mga nahabi kong tulang nagkaroon ng pagkakataong mabasa sa alok na pagsali ng matalik na kamag-aral at kaibigan, si Rafael Pulmano, upang maging bahagi ng kanyang website na OFW - Ang Bagong Bayani.


Ako pala si Gng. Josephine Castelltort-Jaylo, isang retiradong guro sa silid-aklatan ng Jose Abad Santos High School sa Binondo, Manila at mula sa minamahal kong bayan ng Biñan, Laguna.



Mga katha ni Josephine Castelltort-Jaylo na matatagpuan sa sayt na ito: 


Handog


Sali Ka, Kabayan

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link