TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

SALI KA, KABAYAN




Mula sa panulat ni

JOEL SANTOS

Kuwait


PINOY NARS


Maglingkod sa kapwa aming hangarin

Pangakong buhay sa magulang aming tutuparin

Ilang taon nag-aral sa unibersidad sa amin

Naipasa ang board exam, nadinig ang panalangin.

 

Akala’y tapos na ang aming pasanin

Trabahong pinapangarap makakamtan na namin

Lungkot ang bumulaga sa bagong graduate natin

Wala trabahong naghihintay, anong dapat gawin?

 

Volunteer sa ospital ang kinabagsakan namin

Iba’y nagbayad sa training na mamahalin

NCLEX, IELTS, kelangan daw naming tapusin

Requirements sa Amerika na dapat naming gawin.

 

Taon-taon, libo-libo, dagdag ng nars dito sa ’tin

Solusyon ng gobyerno ang aming hinihiling

Kung ‘di unemployed, underemployed iba sa ’tin

Call center! sagot ng iba basta’t may perang iipunin.

 

Senior nars natin ay dapat bigyang pansin

Experience nila’y mahalaga sa bansa natin

Napipilitan mag-ibang bansa dahil sa pasanin

Kapalit ng pamilya sa dolyar na kikitain.

 

Ang galing ng pinoy nars kung iisipin

Serbisyong totoo ang binibigay natin

Kung mabibigyan lang sana ng kaunting pansin

Ekonomiya ng bansa maiiangat natin.



Mga katha ni Joel Santos na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

affiliate_link