Isang Dangkal na Gunita - Isang-yugtong dula o one-act play tungkool sa isang ordinaryong mamamayan na nais makapaglingkod nang tapat sa bayan ngunit tinitimbang na magaling kung ang paglahok sa pulitika ang tamang paraan para maisakatuparan ang nasabing hangarin. Mula sa panulat ni Rafael A. Pulmano.


Pirma - Apat-na-yugtong dula o four-act play tungkol kay Madel, pangunahing karakter sa dula, na nagkaroon ng pambihirang kapangyarihan at pagkakataong mapagbalik-loob sa Maykapal ang kanyang mga kapwa nilalang, gayon na rin ang kanyang sarili. Mula sa panulat ni Rafael A. Pulmano.


Doon Po sa Amin, Bayan ng Matiisin - Dulang may dalawang yugto na may mensaheng hindi lamang ipinatutungkol sa mga taong umuugit sa ating pamahalaan kundi pati sa ating lahat na mamamayan na siyang tumutukso sa mga may tungkulin upang magkasala sa pamamagitan ng pag-aalok ng anumang gantimpala maligtasan lamang nila ang isang paglabag sa batas o kaya'y upang magbulag-bulagan ang isang nagpapatupad ng batas sa kanilang pagkakakitaan ng salapi kahit na ito'y sa kapinsalaan ng mamamayan Mula sa panulat ni Joaquin R. Velasco.


The Case of the Viskotso Masaker - Isang-yugtong dula o one-act play tungkool sa paglilitis ng naparatangang pumaslang sa biktima ng sensasyonal na kasong The Viskotso Masaker. Mula sa panulat ni Rafael A. Pulmano.


San Miguel Arkanghel - Isang-yugtong dula o one-act play na mas angkop sa pagsasahimpapawid sa radyo, nguni't kawili-wili rin at may pagpapahalagang edukasyonal kung itatanghal sa entabladong pampubliko. Tinatalakay ang pagtutunggalian ng kabutihan, na kinakatawan ni San Miguel Arkanghel, laban sa kasamaan, na kinakatawan ni Lucifer (Satanas). Dulang ipinalabas sa Saint Michael's College of Laguna bilang paggunita sa kapistahan ni Saint Michael the Archangel, ang patron ng nasabing paaralan. Mula sa panulat ni Rafael A. Pulmano.


Pasko - Isang maigsing dula, o dula-dulaan, tungkol sa kinagisnang magandang kaugalian nating mga Filipino noong nakalipas, kapag sumasapit ang araw ng ka-Paskuhan. Itinanghal sa Hotel Pere Marquette, Peoria, Illinois noong Disyembre 15, 1987. Mula sa pinagsamang panulat nina Laura B. Corpus at Pacita D. Morales.

DOON PO SA AMIN, 

BAYAN NG MATIISIN


ni Joaquin R. Velasco


CHIEF:

(LOOKS OUT UPON HEARING THE CALL.) Aba Meyor!


MAYOR:

Halika at importante... (THE CHIEF WALKS OUT AND JOINS THE MAYOR IN APPROACHING MRS. GUTIERREZ.) Bakit may mga PC raw dito sa atin ngayon, aya't nagrereklamo si Mrs. Gutierrez pagka't hindi niya mabuksan ang mga bookies.... at hindi mo rin ibinabalita sa akin.



CHIEF:

Hindi ko na sinabi sa inyo Meyor pagka't nagkakaintindihan naman 

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

PASILIP sa Dula. . .

kami ni Sgt. Mabundat. Dalawang araw silang pinagtitiktik daw ng provincial commander. Nalimutan ko nga lamang na abisuhan si misis gawa ng naging busy ako sa husgado. Pero ngayon ho misis ay mabubuksan na ninyo at mapagagala na ninyo ang inyong mga ahente.


GUTIERREZ:

Baka nariyan pa ay alam mo naman, ayokong maiskandalo ang aking pangalan.


CHIEF:

Tiyak na wala na ho at ibinilin pa nga sa akin ni Sarhento na huwag ko raw limuting hingin sa inyo ang para sa kanila. Ang pinangingilagan lamang ni Sarhento ay ang malaman ng kanyang mga opisyal ang pakikipag-intindihan sa atin.


GUTIERREZ:

Eh siya, kung ganoon eh... (GIVES AN ENVELOP TO THE MAYOR.) Eto Meyor, at ikaw na ang bahalang magparte. Lalakad na ako. (EXITS.)


MAYOR:

Walang hiya, ang akala ko'y mawawalan na tayo ng delihensiya eh... Tena sa opisina at doon natin ayusin ito.


(THEY WALK TOWARD THE BUILDING. ILYO AND KIKAY, HUSBAND AND WIFE, ENTER SCENE FROM ONE SIDE. ILYO IS IN HIS BEST BUT ACKWARD ATTIRE WHILE KIKAY IS WEARING A DUSTER. THEY APPROACH THE SECRETARY.)


ILYO:

Magandang araw, Sekretarya.


VALDEZ:

Magandang araw ho naman, may kailangan po ba kayo sa akin?


ISKA:

Si Meyor po, ibig sana naming makausap.


VALDEZ:

Ay naku, bising-bisi hu siya... mabuti pa'y saka na lamang kayo bumalik.


ILYO:

Eh, importante ho ang aming sasabihin at saka may kalayuan kami dito sa bayan upang bumalik na muli.


VALDEZ:

Wala ho tayong magagawa, nataunan ninyong marami siyang gawain, magagalit hu siya sa akin kung papapasukin ko kayo.


(ATTY. GARBO IN BARONG ENTERS FROM A SIDE AND APPROACHES THEM.)


GARBO:

(TAKES A SMALL GIFT BOX FROM POCKET AND THROWS IT IN FRONT OF THE SECRETARY.) Miss Valdez, para sa iyo.


VALDEZ:

Aba, Atty. Garbo, kayo pala... Thank you for this.


GARBO:

Si Meyor, naandiyan ba?


VALDEZ:

Oho, tuloy kayo. 


(GARBO WALKS INTO THE DIRECTION OF THE MAYOR'S OFFICE.)


ISKA:

Eh bakit hu iyon (POINTING AT GARBO'S DIRECTION) ngayon lamang dumating, pinapasok ninyo?


VALDEZ:

Eh abogado hu iyon eh.


ISKO:

Iyan ho ang masama rito sa ating bayan. Kung makatutulad lamang tayo sa isang bayang hindi naman kalayuan dito sa atin ay malamang na maunlad na rin sana itong bayan natin.


VALDEZ:

Aling bayan ang tinutukoy ninyo?


ILYO:

Ang bayan ho ng Biñan. Balita po na mas tinitingnan kaagad ng kanilang punung bayan ang paglapit ng mga mamamayan at maunlad pati ang bayan kaya't ang lahat ay nasisiyahan.


VALDEZ:

Bakit hindi pa kayo doon mamayan?


ILYO:

Talaga hong aming pinag-iisipan, kung bakit nga lamang dito sa Matiisin kami ipinanganak pa.



TUNGHAYAN ang buong dula mula sa panulat ni Joaquin R. Velasco

Doon Po Sa Amin, Bayan ng Matiisin.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link