TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
BUHAY OCW
green pasture ba yong hanap...
pagka’t buhay sa Pinas ay mahirap?
kung hanap-buhay dito'y mailap
sa ibayong dagat maaring mahanap...
ika'y nangibang bayan
upang lumago yong kabuhayan,
ngunit dala mo'y hirap ng kalooban,
pagka’t yong pamilya iiwan...
sa paglayo sa mahal sa buhay,
di birong damdaming taglay,
lungkot at pangungulila, minsan pa'y bumibigay,
sadyang kapalit nito'y lahat ng bagay...
hanap-buhay ay tinitiis,
kahit tagaktak ang pawis,
ika'y walang mahal na kawangis,
isip mo'y maiuuwing dolyaris...
tukso at bisyo'y iyong iwasan,
pagka’t masisira yong tahanan,
obligasyon mo'y wag mong takasan,
pagka’t pamilya mo'y mawawalan...
pakaisipin lagi pamilyang naiwanan,
kung mangyari man ang kinatatakutan,
lahat ng iyong pinaghirapan,
mapupunta lang sa kawalan..
sakaling pamilya'y naihaon na,
bigyan sila ng panahon pang natitira,
di lang salapi ang mahalaga;
pagka’t pagmamahal mo'y kailangan din naman nila.
Mga katha ni Rolelyn Alegonza na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.