TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

NILALAMAN

Ang mga balagtasang matatagpuan sa sayt na ito ay nagsimulang mabuo noong dekada '90 at patuloy na nadaragdagan sa kasalukuyan . . . [May karugtong – Basahin ang buong introduksyon]



Aral at Ligaw – Dapat ba o Hindi Dapat pagsabayin ang panliligaw at pag-aaral?


Babae ang Manliligaw – Dapat ba o Hindi Dapat na manligaw ang mga kababaihan?


Bakla sa PNP – Dapat ba o Hindi Dapat payagan ang bakla sa Philippine National Police?


Bata at Pamalo – Dapat ba o Hindi Dapat na paluin ang bata?


Boksingerong Anak – Kung hangad ng kaisa-isa mong anak ay maging isang boksingero, Payag o Tutol ka ba? • Panoorin [Preview] [Full Video]


Dagdag na Taon sa Haiskul – Dapat ba o Hindi Dapat dagdagan ng isa pang taon ang haiskul sa Pilipinas? • Panoorin [Preview] [Full Video]


Demokrasya sa Pilipinas – Dapat ba o Hindi Dapat Tanggaping May Demokrasya Pa sa Pilipinas sa Ilalim ng Pamahalaang Duterte? • [Slide Show]


Diborsiyo sa Pilipinas – Dapat ba o Hindi Dapat na payagan ang diborsyo sa Pilipinas?

Panoorin [Preview] [Full Video]


Giyera Laban sa Droga – Sang-ayon o Tutol ka ba sa pinaiiral na sistema ng kasalukuyang pamahalaan hinggil sa pagsugpo sa suliranin ng droga sa Pilipinas?


Halalan sa 2016 – Sino ang higit karapat-dapat na ihalal na Presidente sa halalang 2016 – Si Mar Roxas, si Jojo Binay, o si Grace Poe?


Hiling ng Magulang – Halimbawang pito kayong magkakapatid, ikaw ang panganay, at bilang pa-Pasko ay hiniling ng iyong mga magulang na huwag ka munang mag-aasawa hanggang hindi nakakatapos ng pag-aaral ang iyong mga kapatid – Pagbibigyan mo ba o Hindi Pagbibigyan ang kahilingan nila?


Kapisan ang Biyenan – Dapat ba o Hindi Dapat na kapisan sa bahay ng manugang ang biyenan? • Panoorin [Preview] [Full Video


Kapit sa Patalim – Magagawa mo bang "kumapit sa patalim" kung sa sandali ng iyong matinding kagipitan ay wala ka nang ibang malalapitan?


Katapatan ng Kandidato sa Senado – Dapat ba o Hindi Dapat na Taglaying Katangian ang “Katapatan” ng mga Kandidatong Senador sa Ating Bansa? • [Slide Show]


Katotohanan sa Pamamahayag – Bilang isang dyornalista o mamamahayag, Dapat ba o Hindi Dapat na isiwalat mo ang buong katotohanan kahit na manganib ang iyong buhay?


Maganda vs Pangit – Kung dalawa lang ang pagpipilian, sino ang iyong iibigin at pakakasalan: Taong Pangit ang itsura, nguni’t maganda ang ugali?  O taong Maganda ang itsura, nguni’t pangit ang ugali?


Mahal Mo vs Mahal Ka – Kung dalawa lang ang pagpipilian, sino ang handa mong pakasalan: Taong Mahal Mo, nguni’t di ka niya mahal? o taong Mahal Ka, nguni’t di mo siya mahal?


Matalino vs Mayaman – Sino ang mas sikat at higit na dapat hangaan: Matalino o Mayaman?


Pag-asa ng Bayan – Nasa Kabataan ba o nasa May Gulang ang pag-asa ng bayan?


Pagkakaisa ng Mga Pilipino – Kaya ba o Hindi Kaya ng mga Pilipinong magkaisa?


Paglahok sa Politika – Payag ka ba o Hindi Payag na kumandidato kung ikaw ay mahilingang lumahok sa politika?


Pagsasabi ng Totoo – Dapat ba o Hindi Dapat na laging magsasabi ng totoo? • Panoorin [Preview] [Full Video]


Pagsasawalang Kibo ng Inaapi – Dapat ba o Hindi Dapat na magsawalang-kibo ang manggagawang inaapi? • Panoorin [Preview] [Full Video]


Pakialam sa Pag-ibig ng Anak – Dapat ba o Hindi Dapat na makialam ang magulang sa pagpili ng mapupusuan ng anak?


Pakikihalo ng Matanda sa SK – Dapat ba o Hindi Dapat na makisangkot ang matatanda sa eleksyon ng Sangguniang Kabataan o SK?


Panghihimasok sa Buhay ng Iba – Dapat ba o Hindi Dapat na manghimasok sa buhay ng may buhay? • Panoorin [Preview] [Full Video]


Pangingibang-Bansa – Dapat ba o Hindi Dapat na mangibang-bansa ang taong may pamilyang maiiwan? • Panoorin [Preview] [Full Video]


People Power vs GMA? – Dapat ba o hindi dapat na mag-People Power Revolution ang mga Pilipino upang patalsikin sa Malacanang si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA)?


Pusher na Kaibigan – Isusuplong mo ba sa maykapangyarihan ang iyong matalik na kaibigan kung malaman mong siya ay pusher o nagtutulak ng bawal na gamot?


Si Manny Pacquiao at ang Politika – Dapat ba o Hindi Dapat na lumahok si Manny Pacquiao sa politika sa halalan sa taong 2010? • Panoorin [Preview] [Full Video]


Tahanan vs Paaralan – Saan higit na natututo ng disiplina ang bata – sa Tahanan o sa Paaralan? • Panoorin [Preview] [Full Video]

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

PASILIP sa Balagtasan . . .

SI MANNY PACQUIAO AT ANG POLITIKA 


Mula panulat nina: 

Rafael A. Pulmano

Lamberto B. Cabual

Amado T. de Jesus


DAPAT


Maganda ang panukala 

     at payo ng kabalagtas,

Yan nga'y kaya niyang gawin,

     ngunit bakit tinatagpas;

Bakit nililimitahan 

     ang kaniyang abilidad?

Bakit tanging ang pagiging 

     boksingero'y itatatak?

(Siya nama'y may talento 

     sa iba ring kapasidad,

Rekording nya't pelikula'y 

     tinangkilik din ng lahat!)


Kung siya ay nanatiling 

     boksingerong pang-amatyur,

Di nagsikap na maging pro 

     at umakyat ng dibisyon;

Kung siya'y di pinayagang 

     sa kanbas ay makatuntong,

Walang Manny Pacquiao 

          tayong 

     bayani ng buong nasyon;

Ganyan din sa politikang 

     masusubok lang ang bisyon,

Kung hindi mo pagkaitan 

     ng tsansa't pagkakataon.



HINDI DAPAT


Tsansa at pagkakataon? — 

     nakuha na niyang lahat,

Nang magboksing, mag-artista't

     mag-commercial na palabas;

Ayaw pa ba naman niya 

     sa tayog ng pagkatanyag?

At gusto pa na sa langit 

     ang kapritso’y makalampas; 

(Samantalang itong bayan — 

     ibong sawing umiiyak,

Kasakimang bagamundo’y 

     may parusang nakagayak.) 


Sa ngalan ng politika’y 

     hindi lamang yaong puso

Ang marapat na ibigay 

     sa kabayan at kabaro;

Kailanga’y self-expression — 

     kakayahang katutubo —

Si Pacquiao ay wala niyan, 

     totohanan man o biro;

Di ko hangad na ang tanyag 

     na si Manny — mabalaho,

Ihahantad ng kalaban 

     kapintasan niya’t baho!



BASAHIN ang buong katha: Dapat ba o hindi dapat na lumahok si Manny Pacquiao sa politika sa halalan sa taong 2010?

affiliate_link

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link