BERT CABUAL



GURO at brodkaster sa Pilipinas si Lamberto (Bert) B. Cabual, bago nangibayong-dagat. Awtor siya ng “Pangingibang-Lupa,” isang aklat na katipunan ng mga tula na inilathala sa London ng CFMW (Commission for Filipino Migrant Workers).  


Naging Pangalawang-Pangulo siya ng UMPUK (Ugnayan ng mga Manunulat na Pilipino sa United Kingdom). Sa ngayo’y isa siyang retiradong Postal Officer ng Royal Mail sa London.  


Sangkot sa mga gawaing pangwika, binigyang-buhay niya sa London ang Balagtasan. Gumaganap siyang Lakandiwa, at marami na ring Balagtasan ang itinanghal sa London na kanyang sinulat at pinangasiwaan. 


Pinalaganap din niya rito ang paghahandog ng tulang parangal sa mutya ng mga timpalak-kagandahan sa mga gabi ng pagpuputong. Tanyag na mambibigkas at makata, inaatasan siyang sumuob ng maindayog na tula sa nagsisipagwaging Binibining Pilipinas UK. Si L. B. Cabual ay tubong Pallocan Kanluran, Lungsod ng Batangas, sa Pilipinas.


Sumusulat din gamit ang sagisag na Cadena de Amor, matutunghayan ang talaan ng kanyang mga kathang tula, balagtasan, kuwento, at iba pa, sa Mga Dahon ng Pangarap.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link