NANG MAUMID ANG MAKATA

ni Lamberto B. Cabual

​

Katapusan ng Kuwento – Pahina 7

“Me malaking dahilan. Sorry, Vicky, but I love you ever so much!”

 

“Ikaw naman, nagtampo na agad!” sabi ni Victoria, napakatamis ang ngiti. “Hoy, walang makatang tampuhin. ‘Tsaka, hindi naman totoong may boy friend na ako. At kung mayroon man, marahil ay magiging ikaw iyon.”

 

“V-vicky?”

 

“Pero ligawan mo muna ako, ‘no? sabi ng dalaga. “Sige, tumula ka na. At pagbubutihin mo, ha? Dahil kung hindi…basted ka sa akin!”

 

Hinawakan at pinisil ni Nick ang kamay ng dalaga. “Papaano ang kasunduan nating hindi ako manliligaw sa iyo?”

 

“Kalimutan na natin ‘yon.”

 

Pinapalakpakan at pinapaswitan na sila ng mga manonood. Binuhay ni Nick ang mikropono, nagsimula siyang tumula.

 

“Naumid kong dila’y aking ibibigkas

Ng tula ng puso kay Vicky kong liyag;

Patungong tanghala’y habang binabagtas

Ay sa langit kami ngayon maaakyat!”

 

Lumakad si Nick, kasabay at kahawak-kamay si Victoria habang paakyat na sila sa tanghalan.

 

“Sa leeg ni Vicky na sinta ko’t langit,

Kuwentas na tula ko’y aking isasabit;

(Sa araw ng puso’y ang pusong malinis

Ay may Valentina’t tunay na pag-ibig…)”

 

 

WAKAS

​

​

Pahina  [1]  [2]  [3]  [4]  [5]  [6]  [7]

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link