Gusto ko na ring magpahinga. Dahil kapag nagyaya ang boy friend ko na magpakasal na kami, sasang-ayon na ako. I’m not getting any younger. Kaya kailangang naroon ka.”
Inultimatum siya ng dalaga, “Kapag hindi ka dumating,” sabi nito, “magagalit ako sa iyo at hindi na kita babatiin kahi’t kailan!”
Malungkot na nagpaalam si Nick.
ARAW ng mga puso. Sabado ng gabi. Sa hindi kalayuan sa tanghalan, matamlay na nakaupo si Nick.
Pagkatapos ng talumpati ng panauhing pandangal, ng ilang awitin at ng ilang sayaw, ipinahayag sa madla ang nahirang na Miss Valentine –– si Miss Victoria Ilustre. Sa tanaw ni Nick sa kaibigang dalaga, lalo itong gumanda, lalo itong naging kabigha-bighani.
May hapding sumigid sa kanyang puso. Alam niyang mayroon nang nagmamay-ari ng puso ng dalagang iniibig. Huli na nang matuklasan niya ang damdaming ito. Hindi siya makatutula. Umid ang dila niya upang bumigkas. Baka ipagkanulo siya ng sarili at lumuha sa harap ng madla. Kung tatawagin siya ng tagapagpakilala, hihingi na lamang siya ng paumanhin. Magdadahilan siya.
“Mga kaibigan, ang ating Miss Valentine ay susuobin ng kamanyang ng maindayog na tula ng tanyag at ipinagmamalaking makata ng ating bayan,” pahayag ng guro ng palatuntunan, “na dili ba’t walang iba…kundi ang makatang si Nick Katindig!”
Umugong ang matunog na palakpakan. Alam nilang kung tumula si Nick ay nagsisimula sa ibaba ng tanghalan, kaya iniabot sa kanya ang isang cordless microphone.
“Ipagpaumanhin po ninyo, mga kababayan,” ipinahayag ni Nick, “hindi po ako makatutula ngayon, may karamdaman po ako. Hayaan n’yo’t sa ibang pagkakataon ay hindi ko kayo bibiguin.”
Sa napakinggan, tumayo si Victoria, ang Miss Valentine, sa kinauupuan sa ibabaw ng tanghalan. Nagpaalam siya sa kanyang konsorte, lumakad nang pababa at nilapitan si Nick. Sa gitna ng palakpakan at sigawan ng mga tao, nag-usap sila. Gayunman, pinatay ni Nick ang mikropono.
“Ano ka ba, ba’t ayaw mong tumula?” si Vicky.
“Wala nang kuwenta ang pagtula ko,” sabi niya. “Nasaktan ako nang sabihin mong may nobyo ka na.”
“At bakit ka nasaktan?”
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.