“MAHUSAY ang pagkasulat mo nitong iyong essay tungkol sa pag-ibig, Bheng,” may paghangang puna ni Leo sa matalino at maganda niyang estudyante. “Journalism o creative writing ang naghihintay sa iyong kinabukasan."
Pumalakpak sa papuri ang buong klase. Tumunog ang bell at nagmamadaling nagsilabas ang mga mag-aaral na nasa silid-aralan, liban kay Bheng.
“Sir, salamat sa papuri mo. Pinagbuti ko iyan para sa iyo. Ikaw, Sir, ang inspirasyon ko sa pagsulat.”
“Talaga, tila wala na akong ituturo sa iyo tungkol sa pagsusulat sa tema ng Pag-ibig.”
“Theory lamang iyan, Sir, gusto kong ituro mo sa akin ang application.”
“Miminsan ko lang naranasan iyon sa aking misis. Wala akong maraming karanasan tungkol doon.”
“Titser ka, maaaring turuan mong muli ang iyong puso.”
“Natuturuan ba ang puso?”
“Siyempre naman,” ngiti ni Bheng habang nakatitig ang malamlam na mata kay Leo. “Mas alam mo ’yan, Sir, dahil guro ka.”
“Sa parteng iyan e tila magaling ka kaysa akin.”
“Kung gusto mo, Sir, e, ituturo kong lahat sa iyo ang nalalaman ko sa paksang iyan.”
“Sige nga, bigyan mo ako ng lecture sa ganyang topic.”
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.