NANG MAUMID ANG MAKATA

ni Lamberto B. Cabual

​

Karugtong ng Kuwento – Pahina 3

pinakamarilag na binibini sa kanilang bayan. Kapuwa rin sila nagtataglay ng karunungang hinahangaan ng marami. Si Vicky ay tapos na ng edukasyon at nagtuturo na sa isang eskuwelahang pang-elementarya ng kanilang bayan. Sa kabilang dako naman, tapos na rin sa pagka-enhenyero sibil si Nick. Sino nga bang hindi mag-aakalang sila’y may pagkakaunawaan na, gayong sa tuwina’y lagi silang magkasama – maligayang-maligaya kapag magkausap, laging nagtatawanan at nagbibiruan? Animo’y mga ibon silang nag-aawitan sa duklay ng mga pangarap. Ang mga magulang nila ay may gayon ding sapantaha at wala silang tutol kung ang binata’t dalaga man nila ay magkatuluyan.

​

Nguni’t lingid sa mga naghihinuha ng ganito, sina Nick at Vicky ay may usapan.

​

“Kaibigan at kapatid lamang ang turingan natin, ha?” Ani Vicky. “Magkapatid naman tayo sa binyag, di ba?”

​

“Opo, kung ‘yan ang gusto mo, Reyna Victoria,” sagot ng binata.

​

“Nauunawaan mo ba ang gusto kong sabihin?”

​

“Naiintindihan ko po. Ang ibig mo pong sabihin, hindi ako manliligaw sa iyo, hindi tayo magkatalo, basta best friends lang tayong dalawa.”

​

“Mabuti, Senyor Nicanor, pero pag may nahalata akong may iba kang damdamin sa akin…humanda ka’t bubuntalin kita. Mata mo lang ang walang latay!”

​

“Ang tapang-tapang mo naman!”

​

“Biro ko lang naman ‘yon. May tiwala ako sa ‘yo, ‘lam mo ba ‘yon?”

​

“Siyempre naman!”

​

“Pero pag may girl friend ka’t ikakasal na kayo, ako ang maid of honor, okey?”

​

“Sige. At pag ikaw naman ang may boy friend na, sa kasal n’yo ako naman ang best man.”

​

Nagdaup-palad pa sila, tanda ng tapat na kasunduan.

​

​

PATUTUNGO si Nick sa kamag-anak sa isang liblib at malayong lalawigan sa Mindanao. Gusto ng kamag-anak na ito na si Nick ang mangangasiwa sa pagtatayo ng isang gusali ng negosyo ng kamag-anak doon. Kasama rin ni Nick ang mga magulang sa Mindanao bilang bakasyon na rin nila. Hindi nila matiyak kung hanggang kailan sila roon nguni’t maaaring abutin iyon ng buwan. Hindi iiwan ni Nick ang proyektong iyon hangga’t hindi natatapos.

​

Sa kanilang pag-alis, nagpaalam si Nick kay Victoria.

MAY KARUGTONG >>>

​

Pahina  [1]  [2]  [3]  [4]

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link