ang dating ng mga sulat ni Victoria sa kanya. Hindi pa uso ang cell phone nang panahong yaon.
Pero bakit ba niya pinangungulilahan si Victoria nang gayon na lamang? Hindi siya mapalagay, madalas ding hindi makatulog. Ano itong kanyang nararamdaman?
Sinuri ni Nick ang kanyang puso. At natuklasan niyang umiibig na siya sa kaibigang dalaga.
Nguni’t papaano niya maipagtatapat ang damdaming ito sa kanya? May kasunduan sila na hindi siya manliligaw sa kababata.
Nasa bingit siya ng malalim na pagkabahala. Nagpasiya siya na ano man ang mangyari, sa kanyang pagbabalik sa Batangas, ay ipahahayag na niya kay Victoria ang itinitibok ng puso.
SA wakas, nakauwi rin si Nick sa Batangas pagkaraan ng mahigit na tatlong buwan sa Mindanao. Kinagabihan din, dumalaw siya kay Victoria.
“May ibabalita ako sa iyo, Nick,” nakangiti si Vicky. “Siguro, magugulat ka.”
“Ano ‘yon?”
“Alam mo, may boy friend na ako!”
Sa narinig, parang tinarakan ng balaraw ang puso ni Nick. Halatang-halata ang pagguhit ng matinding lumbay sa kanyang mukha. Sa panlulupaypay, nasabi niya sa sarili: Napakasawimpalad ko naman. Ngayon pa siya nagkanobyo, ngayong umiibig ako sa kanya at nakahanda na akong magtapat!
Ibig niyang sumigaw. Naramdaman niyang may luhang ibig gumilid sa kanyang mga mata. Nguni’t sinupil niya ang mga iyon. Nagtimpi siya.
“S-sino ang mapalad na lalaki?”
“Sa darating na Sabado, sa Valentine’s Day, ipakikilala ko siya sa iyo,” sabi ni Vicky.
“Kaya kailangang naroroon ka sa aking koronasyon bilang Miss Valentine.”
Ibig magdahilan ni Nick, “B-baka hindi ako makadalo.”
“A, ‘yan ang hindi puwede,” sabi ni Victoria. “Kung wala ka roon e sinong tutula sa beauty ko? Ayaw ko sa tula ng ibang makata. Tula mo ang gusto ko. At saka, marahil ay iyon na ang magiging huli sa mga pagreyna-reyna ko’t pagmutya-mutya sa mga okasyon.
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.