“Baka naman malimutan mo na ako pag nando’n ka na,” ani Vicky.
“Hindi mangyayari iyon.”
“Magaganda raw ang mga Zamboanggenya.”
“Mas maganda pa rin ang Batanggenya.”
“Susulatan mo akong lagi, ha?”
“Aba, e, siyempre naman. Best friend yata kita!”
“Aasahan ko ‘yan.”
“Siguro, mami-miss kita.”
“O, baka naman tulaan mo pa ako n’yan, bago ka umalis?”
“Hindi na. Wala ka namang paniwala sa mga tula ko, e.”
“Biro ko lang naman sa iyo ‘yon,” tawa ni Victoria. “Sa totoo lang, hanga ako sa ‘yo”
“Talaga?”
“Oo naman.”
“Dahil sa sinabi mong ‘yan, pagbabalik ko’y dadalhan kita ng pasalubong. Ano bang pasalubong ang gusto mo?”
“Magdala ka ng magandang dalagang mapapangasawa mo para maging abay naman ako sa kasal n’yo.”
“Titingnan ko,” tawa ni Nick. “Baka sakaling may dalagang mabibihag—kung hindi man mabubulag—ng mga tula ko!”
“Hoy, ano ka?” sabi ni Victoria. “Nagbibiro lang ako…baka totohanin mo nga!”
Sa Mindanao, sa kanyang pag-iisa ay nakadama si Nick nang walang katumbas na kahungkagan. Hinahanap-hanap niya sa kanyang alaala si Victoria…ang kanilang pamamasyal, pagkukuwentuhan at pagbibiruan. At lagi niyang tinatanong sa isip: Nararamdaman ba ni Victoria ang kanyang nararamdaman? Nangungulila rin kaya ito sa kanya, kagaya ng pangungulila niya rito?
Tinupad ni Nick ang kanyang pangako kay Victoria na susulatan niya ito nang madalas. Nguni’t dahil masahol pa sa pag-usad ng pagong ang serbisyo ng koreo, naging madalang
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.