BUGSO NG GUNITA
ni Bert Cabual
PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA
SIPAG-PILIPINO
Tulad ng pangakong iniwan sa amin,
nagmasinop ako sa aking gawain;
ang panaho’y di ko ibig palipasing
walang asikaso sa mga tungkulin.
Pakaliwa’t kanan ng trabahong hawak,
inalam kong lipos ng tiyaga’t sikap;
naging masunurin sa bawa’t iatas—
isang Pilipinong balita sa sipag.
Ako ay Porterong nangangalankadakang
maglingkod nang tapat at buong pitagan;
pagka’t ang gusaling kinabibilangan
ay kilalang otel sa uri’t pangalan.
Ako’y ginaganyak ng isang layuning
maabot ang antas ng gintong mithiin;
pinupukaw ako ng piping dalanging
anak at asawa ay paligayahin.
Sila ang dahilan ng pagkamasinop,
sila ang sigliwa ng gawang maayos;
nilalagom ako maging sa pagtulog
ng pananagutan sa naiwang irog.
Sa mga paggising sa bawa’t umaga,
puso’y binubusog ng bagong pag-asa;
tatag ng damdamin sa pamamanata
ang ginagamit kong lakas at sandata.
Isina-isip kong loob ng Batahala
na puhunanin ko ang pawis at luha;
malayo man ako sa sariling lupa,
iwing kasipagan ay isang biyaya.
KASUNOD > HAWIG NG PALAD
PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.
Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano | Contact