BUGSO NG GUNITA

ni Bert Cabual

​

​

PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA

​

​

KAMANYANG KAY PINA

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

Nasaling ko pala ang mukha ng langit,

sa lambing ng iyong kay lamyos na tinig;

nang mamalayan kong ikaw’y umaawit,

umiiyak pala ang aking panitik.

​

Ang tibok ng aking dibdib ay maselan,

may hiwagang kabang di ko mawatasan;

ibig kong lusungin ang kaibituran

ng batis kong puso sa awit mong alay.

​

Maharlikang ganda subali’t mabini

ang silay ng iyong ngiting may balani;

damdamin ko’y bihag sa pananakali

ng mapang-akit mong pisngi’t mga labi.

​

Pag-indak-indak mo’y sukat makabasag

ng luhang gumilid sa matang lumingap;

Oo, lumuluha ang dungong panulat

sa dilim at lamig ng gabing may bitak.

​

Ang mga mata mo’y may simpang dalangin

sa harap ng isang matimtimang Birhen;

ang bawa’t sulyap mo’y nagtatagubiling

pumiglas ang isang sikil na damdamin.

​

At iyong ginising ng sigla’t anyaya

ang Londong alipin ng iyong halina;

sining ka ma’t rosas sa harding-Artista

dilag mo’y sumanib sa puso ko, Pina!

​

Aba’t nalusong mo ang lalim ng dagat

na saro ng aking diwa’t bungang-hagap;

sayang at kung ako ay naging mapalad,

disi’y magkasama tayo sa pangarap!

​

- WAKAS -

​

PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link