BUGSO NG GUNITA
ni Bert Cabual
PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA
PAGHANGA
Minsa’y sama-samang sa London umusad,
pangkat-pangkulturang galing Pilipinas;
nasang ang turismo nati’y mailahad
sa awiti’t sayaw nating walang kupas.
Si Pina dela Cruz, sintang mapang-akit,
pangunahin nila roong mang-aawit;
ang pag-awit niya’y tuwang inulinig
ng isang makatang tula’y matalisik.
Kaya sa makata’y hindi napigilan
ang pananaludtod at rimang may buhay;
sa sikdo ng puso’y matamang nag-alay
ng tula’t paghangang bugtong na makulay.
KASUNOD > KAMANYANG KAY PINA
PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.
Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano | Contact