ISINILANG ako sa London, UK, isang tisay—British and mother ko at Filipino ang Father ko. Ingles man ang kinagisnang kong wika, nakapagsasalita (medyo garil) at nakapagsusulat ako sa Tagalog (Filipino).
Tutor ko sa Filipino ang makatang si Bert Cabual, pumupunta siya rito sa bahay, at guro ko siya sa Centre for Filipinos. Nagtuturo siya roon ng Balarila at Panitikan tuwing araw ng Sabado.
Tulad ni Manong Bert, nagsusulat ako sa Ingles at sa Filipino. Ang mga sulatin ko sa Tagalog, kung may mga mali man sa balarila at gamit ng salita, ay iwinawasto ng aking tutor. Ang malaking bahagi ng pagkatuto ko ng pagsusulat sa Filipino ay bunga ng sigasig ng guro at matalik kong kaibigang si Bert Cabual.
Siya ang humikayat sa aking magpadala ako ng tula sa web site ng OFW-Ang Bagong Bayani. Sa ngayo’y Law student ako sa University of Sussex.
Mga katha ni Bheng Arellano na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.
Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano | Contact