GONIE T. MEJIA



Pang-apat sa panganay na labing dalawang magkakapatid, ako ay isinilang noong Disyembre 21, 1950 sa Barangay Caluluan, Concepcion, Tarlac.


Ang aking ama ay si Lucas Mejia at ang aking ina ay si Angelina T. Mejia. Kapwa sila magbubukid.


Nakatapos ako sa mababang paaralan ng nasabing baryo at pinalad namang mapagtapusan ang high school sa FEATI University (Maynila) sa suporta ng aking mga mahihirap na magulang at gayon din sa aking sariling sikap. Naghahanapbuhay ako noon sa araw bilang piyon sa konstruksyon at nag-aaral naman sa gabi.


Nagpatuloy ako ng pag-aaral sa kursong BSME (Mechanical Engineering) nguni't sinawimpalad na mapatigil sa kalagitnaan ng aking kurso dahilan sa kahirapan at kalusugang hindi nakibagay.


Naging Collector/Contractor ako ng NWSA sa loob ng dalawang taon, Special Messenger ng Litton Mills, at naging Insurance Adjuster.


Nakilala at nakaisang-dibdib ang dating Lorna Enriquez ng Bacoor, Cavite, kami ay may limang malulusog na anak na tatlong lalaki at dalawang babae.


Sa hangaring makatikim ng higit pang ginhawa, nag-apply ako bilang farmer sa Saipan na kinasihan naman ng kapalaran, at ako ay tumulak noong Setyembre 18, 1986. Sa kapakanan ng pamilya ang lahat ay kaya kong tiisin, dahilan para hanggang ngayon ako ay nakikipaghanapbuhay pa sa nasabing isla.



GTM

September 18, 1995

Saipan, CNMI

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link