MAHAL NAMING TITA LILING

ni Rafael A. Pulmano




Tulang Handog Kay Bb. Milagros L. Limaco

sa Kanyang ika-76 na Kaarawan




Maligayang pagpupugay sa naritong panauhin

Sa mga fans ni Mari Mar, estudyante't mga teacher

Lalo na sa Presidente ng eskwelang SMCL

Miss Milagros L. Limaco, mahal naming Tita Liling.


Ako po ay nahilingang bumigkas ng isang tula

Pagka’t ngayo'y kaarawan ng ispesyal na nilikha

Ang nagtatag nitong iskul, gumugol at nangasiwa,

Namuhunan ng pag-ibig, puyat, pagod at tiyaga.


Taong 1976 nang buksan ang SMCL

Seventy-six na po ngayon ang edad ni TIta Liling

Sa twenty years na nagdaan, ang binhi n'yang itinanim

Nagbunga ng masaganang pagpapalang walang maliw.


Miss Limaco - relih'yosa, edukador, businesswoman,

Pilantropo, entreprenyur, maka-Diyos, makabayan...

Mahilig na maghalaman, masinop sa kabuhayan,

Paborito'y Nora Aunor, idolo'y si Jose Rizal.


Kung meron mang katangiang sa kanya ay namumukod

Sa ganang akin po yao'y ang hangarin n'yang marubdob

Na sa kapwa'y makatulong lalo na sa dukha't kapos

Edukasyong mayro'ng uri, sa bayan ay kanyang handog.


Kaydami pong pinag-aral nang libre ni Tita Liling

Ang iba po ay iskolar at ang iba'y working student

Tatlo roon ay Pulmano - ako't utol kong CPA

Ang ikatlo'y nasa bangko, isa na pong Branch Manager.


Kami po ay ilan lamang sa maraming nakinabang

At ito ay utang naming tatanawin habang buhay

At sa kanyang kaarawan, ang matapat ko pong dasal

Ang buhay ay lumawig pa kalakip ang kalusugan.


Habaan man yaring tula, kapos pa rin ang dila ko

Na ihayag ang damdamin, di kagaya ni Fulgoso...

Kung ibig n'yong magkabonus ay umawit na lang tayo.

"Merry Christmas, Happy New Year, Happy Birthday, Miss Limaco!"



Paeng Pulmano

Agosto 27, 1996

Binan, Laguna



Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link