PARA KAY MARY ROSE

ni Rafael A. Pulmano


KUMUSTA, MARY ROSE, Kumusta na kayo?

Kuusta ang Nanay, ang Lola, ang Lolo,

Gayon din sa mga batang kapatid mo?

Sana ay mabuti naman ang lagay n’yo.


Ako rito –– ayos, poging-pogi pa rin

Maraming trabaho, tambak ang gawain

Pero hindi bale dahil sa December,

Uuwi na ako, babalik sa atin.


Isang buwan ako na magbabakasyon

Kay isang buwan tayong mag-e-enjoy

JOLLIBEE –– May ice cream, spaghetti, payong!

Masarap ang payong! (Nakakain ba yun?)


Natutuwa ako tuwing susulat ka

Lalo na kapagka mayroong drawing pa

Salamat sa voice tape na inyong padala

Pinakikinggan ko sa tuwi-tuwina.


Ay, sana, Mary Rose, lagi kang mabait

Mag-aral mabuti at huwag a-absent,

Ang nanay, lagi mong susundin ang ibig,

Huwag aawayin ang mga kapatid.


Laging magdarasal, tatawag sa Diyos

At magpasalamat sa biyayang dulot

Masaya ang buhay, malayo sa lungkot

Kapag nasa puso palagi si Jesus.



Tatay Paeng Sr.

09-09-1991

Saipan, CNMI

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link