TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Dalawang-yugtong dula mula sa panulat ni
Joaquin R. Velasco
Simula ng Ikalawang Yugto – Pahina 6
Ang iskrip ng dulang ito ay napasaatin sa kagandahang-loob ni G. Honesto "Toting" Velasco.
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.
IKALAWANG YUGTO
TANAWIN
TULAD DIN NG SA UNANG YUGTO – PAGBUBUKAS NG TABING AY MAKIKITA RIN SI MISS VALDEZ SA KANYANG GAWAIN. LALABAS SI MEYOR BUHAT SA KANYANG TANGGAPAN.
MAYOR:
Hindi pa bumabalik sina hepe ano Miss Valdez...?
VALDEZ:
Hindi pa nga ho.
(THE CHIEF WITH POLICEMEN WILL ENTER FROM THE SIDE ESCORTING ISKA AND THREE MEN.)
Ayan na hu pala....
(MAYOR WALKS OUT AND MEETS THE CHIEF.)
MAYOR:
(TO THE CHIEF) O, ano ang nangyari Chief?
CHIEF:
Hindi ho maawat ang mga ito sa paglusob sa tauhan ni Don Bareta kaya dinala ko sila dito.
ISKA:
Meyor, napatay ho ng tauhan ni Don Bareta ang aking si Ilyo subali't bakit kami ang dinala ng mga pulis at hindi ang mga namaril?
CHIEF:
Mangyari'y kayo ang nanggugulo at ayon sa mga nakasaksi ay si Mang Ilyo ang lumusob at ang pagbaril sa kanya ay bilang pagtatanggol lamang!
MAYOR:
Iyon pala naman Aling Iska...
ISKA:
Huwag kayong maniwala! Ang may sabi niyan ay mga tauhan ni Don Bareta!
A CAPTIVE:
Masama hu bang ipaglaban namin ang aming karapatan sa ilog ng bayan?
MAYOR:
Hindi. Ang naging masama ay inilalagay ninyo ang batas sa inyong mga kamay.
ISKA:
Matagal na naming naidulog sa inyo Meyor and tungkol sa ginagawa ni Don Bareta sa ilog na kapinsalaan ng mga naghahanapbuhay doon. Kanina lamang ay galing kami rito ni Ilyo at pinarating namin sa inyo ang kalubhaan ng katayuan doon.
ANOTHER CAPTIVE:
Ang sabihin mo'y talagang iba ang maging mayaman kaysa tulad natin!
MAYOR:
Hoy! Ako ba ang pinatatamaan mo? Sige Hepe, ikulong mo silang lahat!
CHIEF:
(TO SARGEANT) Sige Sarhento, kunan mo sila ng mga deklarasyon sa loob.
SARGEANT:
(TO CAPTIVES) Sige, tena kayo sa loob.
(ISKA AND COMPANIONS ARE ESCORTED BY THE SARGEANT AND POLICEMEN TO THE OFFICE.)
MAYOR:
Chief, bakit hindi ka rin nagsama kahit dalawang tauhan ni Don Bareta para lumabas na wala tayong kinikilingan?
CHIEF:
Talaga hong iyon ang aking ibig gawin subali't ayaw hong pumayag ni Don Bareta.
MAYOR:
Alam mo, patayan yan at hindi maaaring hindi makikialam ang PC. Ang mabigat pa niyan ay baka imbestigahin tayo ng ministri ng depensa... hindi maaaring hindi may magpamata rin sa mga taong iyan.
CHIEF:
Iyan nga ho ang ipinaliliwanang ko kay Don Bareta. Mabuti ho'y kayo na ang magpaliwanag sa kanya at baka sakaling mapahinuhod ninyo.
MAYOR:
Mayroon pa akong importanteng lakad. Ikaw na ang pumunta at padadalhan kita ng sulat upang huwag siyang mag-alala sa kanyang mga tauhang pasasamahin.
CHIEF:
Baka ho hindi rin makinig sa akin eh...
MAYOR:
Papayag iyon kapag nabasa ang aking sulat. Ikaw din, hindi lamang PC ang makikialam sa iyo kundi pati POLCOM.
CHIEF:
O, sige ho. Gawin na ninyo ang sulat at aayusin kong pansamantala ang paggawa ng mga deklarasyon ni Sarhento. (BOTH WALK TO THEIR RESPECTIVE OFFICES.)
(LOOKING AT INTERIOR) Sarhento, halika sandali.
SARGEANT:
(ENTERS SCENE) Ano iyon, Chief?
CHIEF:
Palabasin mo rito sina Mang Perto at Simo at kakausapin ko. (THE SARGEANT WALKS TO INSIDE THEN COMES OUT WITH TWO MEN.)
Ah, Mang Simo, Mang Perto...
SIMO:
Hepe, hindi naman kami nanggugulo at kami ay walang armas ay bakit kami ang inyong dinala?
PERTO:
At maging si Mang Ilyo na kanilang binaril ay lumapit lamang upang pagpaliwanagan sila sa kanilang bulag na pagsunod kay Don Bareta.
SIMO:
Binaril na nila agad!
CHIEF:
Tekayo Mang Simo, Mang Perto. Dinala namin kayo rito hindi bilang mga dinakip kundi upang ilayo kayo sa kapusukan ng mga tauhan ni Don Bareta. Kung pababayaan namin kayo roon ay hindi masasawata ang kaguluhan.
PERTO:
Eh bakit wala kayong dinakip sa mga tauhang namaril?
CHIEF:
Ano hu bang hindi. Akala ba ninyo'y hindi namin sila huhulihin? Babalik hu ako ngayon din... ibig ko lamang masawata muna ang kainitan ng mga ulo.
SIMO:
Iyon pala naman eh, di makakauwi rin pala kami?
CHIEF:
Siyempre! Pero ibig ko lamang bago kayo umuwi ay makalagda kayo sa isang kasulatan.
THE TWO:
Anu hong kasulatan?
CHIEF:
Kasulatan ho bilang mga testigo, na siya kong ipaliliwanag sa inyo. Alam ninyo, mahirap nating laging kalabanin si Don Bareta. Hindi lamang dito siya malakas sa atin kundi maging sa mga matataas na tao ng pamahalaan.
PERTO:
Alam hu namin iyon, subali't naniniwala kami na kung ang lahat ng nangyayari dito ay makararating sa Malakanyang ay hindi itutulot ni Pres. Marcos na magkaroon pa ng tauhan ang pamahalaan na may budhi pang Makalumang Lipunan.
CHIEF:
Ah, talaga ho. Ang nais ko lamang ay huwag nating palakihin ang mga nangyayari dito sa ating bayan.
SIMO:
Sa paano hong paraan?
CHEIF:
Na tayo na ang gumawa ng lunas sa mga bagay na tungkol sa ating bayan. Ang nais ko'y matapos na ang mga kaguluhan dito sa atin at mapatiklop na ang nangyari ngayon.
PERTO:
At paano hu naman ang katarungan sa nakitil na buhay ni Mang Ilyo?
CHIEF:
Iyan na nga ho ang ibig kong ipaliwanag sa inyo. Si Mang Ilyo ay patay na at maipabilanggo man natin ang mga bumaril sa kanya ay hindi na maibabalik ang kanyang buhay.
SIMO:
Eh ano ho ang inyong balak gawin?