TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

DOON PO SA AMIN, BAYAN NG MATIISIN

Dalawang-yugtong dula mula sa panulat ni

Joaquin R. Velasco


(Ukol sa Samahang Pang-Kultura ng Biñan, Laguna)

Ang iskrip ng dulang ito ay napasaatin sa kagandahang-loob ni G. Honesto "Toting" Velasco.

MGA TAUHAN

Alkalde ng Matiisin

Miss ValdezSekretarya

Basilio DagasaHepe ng Polisya

MundaAsawa ng Hepe ng Polisya

IsmaelAnak ng Hepe ng Polisya

BenKaibigan ni Ismael

Mrs. GutierrezKapitalista sa mga 'bookies'

Mr. MausokHepe sa departamento ng bumbero

Mr. SimotTaga-Ingat-Yaman ng bayan

Don BaretaMayamang may impluho sa mga taong pamahalaan

Kapitan Viloria ng PC

Miss GuzmanGuro

LucyGuro

DeliaGuro

IlyoMaralitang mangingisda

IskaAsawa ni Ilyo

Attorney Garbo

DencioTagapagbenta ng marihuwana

SeloKasamahan ni Dencio sa negosyo

CenonIsang mamamayan

PertoIsang mamamayan

SimoIsang mamamayan

BertoIsang mamamayan

Sarhento ng PC

Kabo ng PC

MGA KARAGDAGAN (EKSTRA)

 - 2 pang sundalo ng PC

 - 3 tauhan ng polisya

 - 3 pang mamamayan na kasama sa dadakpin

UNANG YUGTO



EMCEE (PAUNANG SALITA BAGO BUKSAN ANG TANGHALAN SA UNANG YUGTO)


Magandang hapon/gabi po mga giliw naming manonood. Pinararating po sa inyong lahat nitong SAMAHANG PANG-KULTURA NG BIÑAN ang buong pusong pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa aming inihandang palabas na ang kikitain ay iuukol sa _________________________________________________________.


Nais naming ipagpauna sa inyo na ang mga pangyayari na inyong masasaksihan sa aming dulang itatanghal ay pawang likhang-isip lamang ng sumulat at hindi tunay na nangyari. Kung sakali mang mayroong pangyayaring makakahawig saan mang dako ng Pilipinas sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Ginawa lamang ang mga pangyayari dito upang maging marubdob at mapasigla ang layunin ng ating Pangulong Ferdinand Marcos sa tunay na katuturan at adhikain ng tinatawag na BAGONG LIPUNAN na hindi lamang ukol sa mga umuugit sa pamahalaan kundi maging sa ating lahat na mamamayan na siyang nag-uudyok sa mga may tungkulin upang magkasala sa pamamagitan ng pagsuhol maligtasan lamang nila ang isang pagkakasala o kaya'y maitulot ng mga kinauukulan ang laban sa batas na kanilang madaling pagkakakitaan ng salapi kahit na ito'y kapinsalaan ng mamamayan.


Inuulit namin na ang ating dula ay upang lalong mapasigla lamang at ating manamnam ang layunin ng BAGONG LIPUNAN. Marami pong salamat.



TANAWIN:


PAGBUBUKAS NG TELON, UNANG TANAWIN: MAKIKITA ANG HARAPAN NG MUNISIPYO NG MATIISIN NA MAY KARATULANG "BAHAY PAMAHALAAN NG MUNISIPYO NG MATIISIN –– LALAWIGAN NG ALANGANIN," NA NAKALAGAY SA ITAAS NG PINTUANG MAYOR SA GITNA – SA ISANG PANIG NG PINTUAN AY BINTANANG MAY REHAS NG TANGGAPAN NG ALKALDE NA SA DAKONG ITAAS AY MAY KARATULA DING "TANGGAPAN NG ALKALDE" AT KABILANG PANIG AY GAYON DING BINTANA NA MAY KARATULA RING "TANGGAPAN NG POLISYA." MAKIKITA SA PAMAMAGITAN NG BINTANA NA ANG SEKRETARYANG BABAE (MISS VALDEZ) NG ALKALDE NA NAGMAMAKINILYA SA LOOB NG OPISINA AT GAYON DIN SI CHIEF DAGASA NG POLISYA NA MAY GINAGAWA RIN SA KANYANG OPISINA NA NAKIKITA RING PULIS SA KANI-KANILANG GAWAIN. MAKIKITA ANG ILANG EKSTRA NA PUMAPASOK AT LUMALABAS SA MUNISIPYO –– BUHAT SA ISANG PANIG NG ENTABLADO AY PAPASOK SA TANAWIN SI MRS. GUTIERREZ NA SA AYOS NG PANANAMIT AY MAPAPANSING MAYROON SIYANG KAYA SA BUHAY BAGAMA'T NASA KATANGHALIAN PA ANG GULANG.


MGA PUWESTO NG MIKROPONO: Dalawa sa dakong harapan ng tanghalan at tig-isa sa loob ng dalawang opisina.


TUTULOY SI MRS. GUTIERREZ SA OPISINA NG ALKALDE.


GUTIERREZ:

Miss Valdez, nariyan ba si Meyor?


VALDEZ:

Ah, Mrs. Gutierrez, kayo pala, nariyan pa ho sa loob ng opisina, tuloy kayo.


GUTIERREZ:

Ayokong sa opisina niya siya kausapin. Sabihin mo na lamang na naririto ako at mahalaga ang lakad ko sa kanya. Hihintayin ko siya dito sa labas.


VALDEZ:

Oho. 


(ENTERS THE SUPPOSED PLACE OF OFFICE WHILE GUTIERREZ WALKS OUT TO ONE OF THE MICROPHONES OUTSIDE. THE MAYOR WILL BE SEEN COMING OUT APPROACHING MRS. GUTIERREZ.)


MAYOR:

Mrs. Gutierrez, kanina pa ba kayo?


GUTIERREZ:

Hindi naman gaano.


MAYOR:

Eh bakit tila biglaan yata ang inyong pagkaparito?


GUTIERREZ:

Aba, hindi mo ba alam? May naggalang mga PC kaya hindi ko mabuksan ang aking mga bookies. Ano ba ang sabi ni hepe?


MAYOR:

Wala ho siyang nababanggit sa akin.


GUTIERREZ:

Paano iyan, ano pa ang kabuluhan ng inyong pagiging mga pinuno dito sa Matiisin kung hindi kinikilala ng mga PC'ing iyan ang inyong mga kapangyarihan.


MAYOR:

Ah alam ko iyan. Huwag kayong mag-alala at hindi maaaring hindi ninyo mabawi iyon at sobra pa. Tekayo't tatawagin ko si hepe. (WALKS TOWARD THE WINDOW OF THE CHIEF AND CALLS HIM.) Chief!


CHIEF:

(LOOKS OUT UPON HEARING THE CALL.) Aba Meyor!


MAYOR:

Halika at importante... (THE CHIEF WALKS OUT AND JOINS THE MAYOR IN APPROACHING MRS. GUTIERREZ.) Bakit may mga PC raw dito sa atin ngayon, aya't nagrereklamo si Mrs. Gutierrez pagka't hindi niya mabuksan ang mga bookies.... at hindi mo rin ibinabalita sa akin.


CHIEF:

Hindi ko na sinabi sa inyo Meyor pagka't nagkakaintindihan naman kami ni Sgt. Mabundat. Dalawang araw silang pinagtitiktik daw ng provincial commander. Nalimutan ko nga lamang na abisuhan si misis gawa ng naging busy ako sa husgado. Pero ngayon ho misis ay mabubuksan na ninyo at mapagagala na ninyo ang inyong mga ahente.


GUTIERREZ:

Baka nariyan pa ay alam mo naman, ayokong maiskandalo ang aking pangalan.


CHIEF:

Tiyak na wala na ho at ibinilin pa nga sa akin ni Sarhento na huwag ko raw limuting hingin sa inyo ang para sa kanila. Ang pinangingilagan lamang ni Sarhento ay ang malaman ng kanyang mga opisyal ang pakikipag-intindihan sa atin.


GUTIERREZ:

Eh siya, kung ganoon eh... (GIVES AN ENVELOP TO THE MAYOR.) Eto Meyor, at ikaw na ang bahalang magparte. Lalakad na ako. (EXITS.)


MAYOR:

Walang hiya, ang akala ko'y mawawalan na tayo ng delihensiya eh... Tena sa opisina at doon natin ayusin ito.


(THEY WALK TOWARD THE BUILDING. ILYO AND KIKAY, HUSBAND AND WIFE, ENTER SCENE FROM ONE SIDE. ILYO IS IN HIS BEST BUT ACKWARD ATTIRE WHILE KIKAY IS WEARING A DUSTER. THEY APPROACH THE SECRETARY.)


ILYO:

Magandang araw, Sekretarya.


VALDEZ:

Magandang araw ho naman, may kailangan po ba kayo sa akin?


ISKA:

Si Meyor po, ibig sana naming makausap.


VALDEZ:

Ay naku, bising-bisi hu siya... mabuti pa'y saka na lamang kayo bumalik.


ILYO:

Eh, importante ho ang aming sasabihin at saka may kalayuan kami dito sa bayan upang bumalik na muli.


VALDEZ:

Wala ho tayong magagawa, nataunan ninyong marami siyang gawain, magagalit hu siya sa akin kung papapasukin ko kayo.


(ATTY. GARBO IN BARONG ENTERS FROM A SIDE AND APPROACHES THEM.)

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

affiliate_link

MAY KARUGTONG >>>


Pahina  [1]  [2]

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link