TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

DOON PO SA AMIN, BAYAN NG MATIISIN

Dalawang-yugtong dula mula sa panulat ni

Joaquin R. Velasco


Karugtong ng Dula – Pahina 5

MAUSOK:

Eh paano hu iyon? Iyong nagdeliber ay hindi ang siyang nanalo sa subasta?


SIMOT:

Talagang mapurol ang ulo mo, Mr. Mausok. Hindi mo pala alam na iyong limang kompanyang nag-bidding ay iisa ang may-ari. Pinalabas lang natin na may bidding.


MAUSOK:

Ang inaalala ko lamang treas, ay kung magkasunog, talagang walang magagamit na hose.


SIMOT:

Masyado kang nerbiyoso, Mr. Mausok. Nalilimutan mong kay tagal nang hindi naman nagkakasunog dito sa atin. Basta huwag mong iaalis iyong mga lumang hose at iyon ang ipakikita natin kung sakaling mag-audit. Huwag kang matakot at kami ang bahala ni Meyor. Pirmahan mo na agad at nang maging kuwarta na.


MAUSOK:

Basta kayo treas...


SIMOT:

Iyan ang bata! 


(BOTH WALK TOWARD THEIR RESPECTIVE OFFICES WHILE MUNDA, THE CHIEF OF POLICE'S WIFE, ENTERS SCENE FROM A SIDE IN TIME OF CHIEF'S APPEARANCE THRU THE WINDOW, HOLDING A PAPER.)


MUNDA:

Silyo!


CHIEF:

Munda, bakit ka naparito? 


(WALKS OUT AND BOTH APPROACH A FRONTAL MICROPHONE.)


MUNDA:

Naparito ba ang anak mo?


CHIEF:

Oo. Humihingi nga raw siya ng pera sa iyo at itinuro mo nga raw siya sa akin.


MUNDA:

O, eh nabigyan mo naman?


CHIEF:

Pinangakuan kong bukas pagka't mayroon akong tatanggaping pera kay Meyor.


MUNDA:

Pero duda ako sa batang iyan eh...


CHIEF:

Bakit?


MUNDA:

Napapansin kong iba na kung kumilos na tila ba wala sa sarili at kung minsan naman ay masigla.


CHIEF:

O eh marahil ay dahil lamang sa kanyang pag-aaral.


MUNDA:

Maaari nga. Ang isa pa nga palang ipinarito ko, ay napansin ko kanina na nawawala iyong aking kahita ng alahas, baka kako nililikot ng batang iyan...


CHIEF:

Bakit naman lilikutin ni Ismael iyon. Pihong naitabi mo lamang iyon sa isang lugar at nalimutan mo. Hanapin mong mabuti at makikita mo rin iyon.


MUNDA:

Baka nga. Siya lalakad na ako at mamimili pa ako. 


(WHILE MUNDA EXITS, DON BARETA WILL BE SEEN COMING FROM THE INTERIOR APPROACHING MISS VALDEZ WITH IMPATIENCE. CHIEF GOES BACK INTO HIS OFFICE.)


BARETA:

Karamba! Hangga ngayon ay wala pa... Baka naman hindi na babalik iyon Miss Valdez?


VALDEZ:

Sinabi ko niyang babalik siya. 


(THE MAYOR WILL ENTER FROM ONE SIDE OF THE STAGE AS SEEN BY MISS VALDEZ.) 


Ah, ayun ho pala siya eh. 


(BARETA ENCOUNTERS THE MAYOR BEFORE ENTERING THE BUILDING.)


BARETA:

Meyor, kanina pa kita hinihintay ah...


MAYOR:

Ganoon hu ba? Tena kayo sa loob...


BARETA:

Huwag na. Kagagaling ko lamang doon. Mabuti ngang dito na tayo mag-usap.


MAYOR:

Eh ano nga hu ba ang inyong lakad?


BARETA:

May nakapagsabi sa aking tauhan ko na nagpunta raw sa iyo iyong mag-asawang Ilyo at Iska.


MAYOR:

Ah oho nga. Inerereklamo na naman iyong inyong ipinatatayong pader sa ilog.


BARETA:

Iyon na nga, patuloy akong ginugulo ng mga tagaroon. Ang ibig ko sana'y pakilusin mo ang mga pulis mo.


MAYOR:

Pinag-aaralan ko nga ho kung ano ang nararapat gawin na hindi masyadong magiging garapal. Ibig kong ang mangyari ay ang mga hakbang nila ang wala sa batas.


BARETA:

Aba eh bilisan mo ang paggawa ng lunas at baka kung lumala ang mga pangyayari roon ay lalong magkaloko-loko. Kung sabagay ay hindi nila kaya ang mga tauhan kong nagbabantay doon. (GIVES ENVELOP TO THE MAYOR.) O eto ang pangpakilos sa mga pulis mo.


MAYOR:

Huwag kayong mag-alala at ako ang bahala. 


(CENON ENTERS RUNNING FROM ONE SIDE.)


CENON:

Meyor! Don Bareta! Mabuti't narito kayo pareho!


BARETA:

Bakit Cenon?


CENON:

Si Mang Ilyo ho, binaril ni Tiago!


BARETA:

Nakita mo na Meyor, iyan na nga ang kinatatakutan kong mangyari.


MAYOR:

(TO CENON) Tinamaan ba si Mang Ilyo?


CENON:

Oho, sa tiyan, kaya patay agad! Nagkakagulo nga ho roon dahil sa galit ng mga taga-nayon!


BARETA:

Naku Meyor, delikado na akong umuwi ngayong mag-isa!


MAYOR:

(COMES NEAR TO CHIEF OF POLICE) Hepe, dali! Magsama ka ng mga pulis at puntahan ninyo ang palaisdaan ni Don Bareta!


CHIEF:

(TURNING HIS LOOKS AT INTERIOR) Sarhento! Magsama ka ng dalawang tauhan at mayroon tayong pupuntahan! Dali!


MEN'S VOICES OFF SCENE:

Yes sir! 


(THERE MUST BE PANICKY ACTIONS OF ALL SEEN IN THE SCENE – SARGEANT WITH THREE POLICEMEN RUN OUTSIDE WHILE STILL PUTTING THEIR UNIFORMS ON.)


BARETA:

(NERVOUS) Meyor, paano ako ngayon?


MAYOR:

Sumama na kayo kina hepe at nang makasawata kayo sa inyong tauhan. 


(THE CHIEF AND POLICEMEN RUN TO EXIT.)


BARETA:

Hepe, hintayin n'yo ako! Huwag ninyo akong iwanan!




CURTAIN CLOSES.

–– END OF ACT I ––

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

affiliate_link

MAY KARUGTONG >>>


Pahina  [1]  [2]  [3]  [4]  [5]  [6]

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link