ang pagtutulungan, pagdadamayan at pagmamahalan. Na kung isasa-puso ito ay magkakaroon ng makatuturang pananaw ang mga tao sa kahalagahan ng pag-asa at pananalig. Na ang mga tao’y nilikha ng Diyos hindi para sa sarili lamang, manapa’y para sa isa’t isa. Na tayo’y may pananagutang umibig sa Diyos na lumalang sa atin at sa ating kapuwa.
Sa mahusay na paglalahad ng madre ng mga kaisipang iyon, nakatungong tumahimik si Fidel. Ang mga katagang binibitiwan ni Elena’y naglagos mandin sa pinakaliblib na lugar ng puso ng binata.
“Kuya Fidel, para sa akin…at para sa Diyos, maaari bang mag-ukol ka ng panahon sa ating mga kababayan, at maging bahagi ka ng lipunang-Filipino sa bansang ito?”
May luhang gumilid sa mga mata ng binata. “Oo, Elena…Oo…gagawin ko!”
Nagmamaneho nang pauwi si Fidel pagkagaling sa tirahan ng mga madre. Isang van ng walang ingat na tsuper ang malakas na bumangga sa kanyang kotse. Isinugod ang binata sa malapit na ospital. Bagama’t hindi gaanong malubha ang pinsala, kinailangang tumigil siya sa pagamutan ng ilang araw.
“May dalaw po kayo,” sabi ng nurse. “Mukhang marami po sila.”
“Patuluyin mo,” tugon ni Fidel.
Nangunguna si Elena, kasunod ang ilang kababayan.
“Kuya, mabuti’t hindi gaanong malubha ang pinsalang natamo mo sa aksidente. Lagi kitang ipinagdarasal.”
“Maraming salamat.”
“Siyanga pala, Kuya Fidel,” tumingin sa mga kasama, “sila ang mga pinuno ng ilang organisasyon ng mga kababayan natin dito sa London.”
Kumamay na isa-isa sa binata ang mga bisita at iniabot ang ilang mumunting regalong dala nila. Hangad daw nila ang madaling paggaling ni Fidel.
Tumimo at nakabagbag sa puso ng binata ang pagdalaw ng mga kababayan. Taimtim siyang nagpasalamat nang magpaalam ang mga ito.
Makailang araw gumaling na si Fidel at lumabas na sa pagamutan.
MULA noon, naglaan ng panahon si Fidel para sa mga kababayan. Tuwing mga araw ng Sabado at Linggo, malimit na kasama siya ni Elenang nakikisalamuha sa kapuwa Filipino.
TUNGKOL
SA SAYT NA ITO
Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.