SUBYANG SA PUSO

ni Belen “Bheng” Arellano

​

Karugtong ng Kuwento – Pahina 9

Kinagabihan, hindi dalawin ng antok si Fidel. Laman ng kanyang gunita si Elena. Naaalaala niya ang kanilang mga pag-uusap at ang karanasang muntik na nilang ikapahamak. Hindi makatkat sa isip niya ang kagandahan ng dalaga. 

​

​

SABADO ng hapon. Gumayak si Fidel at lumulan sa kotseng BMW na katatapos lamang niyang kunin sa garahe sa malapit na  Motor Repair Shop. Minaneho niya ang sasakyang patungo sa address na ibinigay sa kanya ni Elena. Hindi gaanong kalayuan ang tirahan nito kina Fidel, kalahating oras lamang na pagmamaneho.

​

Pinindot niya ang  buton ng door bell ng isang magarang tahanan. Bumukas ang pinto. 

​

“Magandang hapon po.”

​

“Magandang hapon naman.”

​

“Ako po si Fidel. Inaasahan po ako ni Elena.”

​

“Tuloy ka, Fidel, alam naming darating ka.”  Isinama ang binata ng may-edad nang madre sa loob ng bahay. Pinaupo siya sa sopang nasa salas.

​

“Siyanga pala, ako si Sister Manuela, ang pinakamatanda sa mga madreng nakatira sa tahanang ito.”

​

Napansin ni Fidel na nakaabito ang kausap niya. “Si Elena po?”

​

“Sandali lamang at tatawagin ko siya.”

​

Parang binagsakan ng bomba ang dibdib ni Fidel nang lumabas si Elena. Nakasuot ito ng abito at may belo na nakalabas lamang ang mukha. Isa pala siyang madre, naisaloob ni Fidel. 

​

“Salamat at dumating ka, Kuya Fidel.”  Itinuro ang iba pang kasamang madre sa binata. “Sila ang mga kasama ko rito.”

​

Isa-isang nagsilapit ang mga madre sa binata, kinamayan ito, at nagpasalamat sa ginawang pagliligtas kay Elena sa  sunog sa Kings Cross underground. Kapagkuwa’y  umalis na ang mga madre. Naiwan ang binata at si Elena.

​

“Isa ka palang madre.”

​

“Oo, kuya.”

​

“Hindi mo pala ako dapat na tawaging Kuya. Dapat, ikaw ang tawagin ko ng Sister Elena.” 

MAY KARUGTONG >>>

​

Pahina  [1]  [2]  [3]  [4]  [5]  [6]  [7]  [8]  [9]  [10]

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link