SALI KA, KABAYAN

 

 

 

Mula sa panulat ni

JOEL SANTOS

Kuwait

 

ENDO

​

Sa wakas!... buhay tambay na muli

Isa sa pinakahihintay kong sandali

Gabi-gabi makakapagpuyat na palagi

Araw-araw makakagising na nang tanghali.

 

Kahit ako ma'y walang sasahuring salapi

Sayang dulot nito’y hindi ko mawari

Parang nakawala sa mahigpit na pagkakatali

Gustong sumigaw dahil tapos na ang dalamhati.

 

Malungkot dahil di na kasama kaibigang tinatangi

Masaya dahil di na makikita taong laging nang-aapi

Siguro’y di lang naging masaya mga huling sandali

Kaya mas pinili na lamang mapag-isa na muli.

 

Alam kong darating din ang ating sandali

Makakahanap ng trabahong makakapagpangiti

Maghintay, magtiyaga at manalig lamang palagi

Makakamtan din natin mga pangarap na minimithi…

​

​

Mga katha ni Joel Santos na matatagpuan sa Sali Ka, Kabayan