RAFAEL ALONDE PULMANO

 

 

Sa kabutihang-loob at malaking tulong ng mga Limaco, lalo na ni Bb. Milagros Ligaya Limaco, si Rafael A. Pulmano ay mapalad na nakapag-aral bilang working student at scholar sa Biñan College, ngayon ay kilalang Saint Michael's College of Laguna (SMCL). Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Commerce at, bago nakapag-abroad, ay naglingkod bilang guro, sa nasabing paaralan.

 

Isang Certified Public Accountant (CPA), naging propesor din siya nang mahigit labindalawa at kalahating taon sa College of Micronesia–FSM (COM-FSM).

 

Si Paeng, o Ralph, ay tubong Binan, Laguna.

 

Pangalawa sa labing-isang magkakapatid, anak siya nina Antonia Tañon Alonde at Rodolfo Bedico Pulmano ng Barangay De la Paz.

 

Nakaisang-dibdib niya si Rebecca Benosa Agravante, na una niyang nakilala bilang isang kapalitang-liham o pen pal, mula sa Iriga City. Binayayaan sila ng anim na supling.

 

 

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link